Nasa punto na ako ng buhay ko na kapag sunod-sunod na 'yung requirements at puro deadlines lahat, hindi ako magdadalawang isip na magpagawa ng diploma sa Recto.
Pero siyempre joke lang 'yon 'no! Diploma na nga lang ang lamang ko sa ibang pulitiko, hindi ko pa ba kukunin.
Kasalanan ko rin naman bakit ako nahihirapan dahil last week pa 'to binigay ng prof sa amin pero ngayon ko lang ginagawa. Masiyado na akong nawili sa mantra na 'If tomorrow isn't the due date, then today isn't the do date'.
Sabi ko pa naman, hindi na ako mag-c-cramming.
Pero everytime na naipapasa ko pa rin lahat ng mga requirements before its deadline, talagang inaatake ako ng pagiging buzzer beater ko.
Patapos na rin naman ako sa paper ko, inuna ko lang talagang magreklamo.
Kahit naman katas ng cramming 'to, minake sure ko pa rin naman na maganda ang kalalabasan dahil 'yung professor namin dito ay isang batikan na personalidad sa industriya ng media. Isa siya sa mga hinahangaan ko dahil ang gaganda ng mga dokumentaryo na nililikha niya.
Mabuti na lang at wala akong pasok ng hapon kaya pagkatapos ng klase sa umaga ay umuwi agad ako ng condo para masimulan na ang paper ko.
"Takte alas otso na agad," bulong ko sa sarili.
Dahil proofreading na lang ang need kong gawin sa paper ko, siyempre tamang scroll muna ako sa Tiktok. Sana lang hindi ko makatulugan ang cellphone ko habang may nag-p-play na video. Isang beses kasi ay naabutan ako ni Red na nakatulog sa sala habang may live ASMR na nag-p-play sa Tiktok app ko.
Buti na lang at hindi porn ang naabutan niya.
Saka ang saya rin mag-Tiktok lalo pa't ang wholesome ng fyp ko, puro pusa. Kaya minsan mas lamang pa 'yung repost ko kaysa sa natapos kong mga requirements sa school, eh.
"Shet ang sarap naman nito." Tukoy ko sa isang video na nagluluto ng kare-kare.
Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko. Kumain naman ako kanina ng cup noodles at siopao na binili ko sa 7-Eleven. Kaso iyong tiyan ko nakakaramdam na ulit ng gutom.
Nag-open ako ng Instagram at naglagay sa IG notes ng 'san may masarap na kare-kare'.
I-exit ko na sana ang app kaso may notification na nagpop up.
vlntnred.nati replied to your note: Gusto mo?
I smiled inwardly when I saw Red's reply to my IG notes. Bakit pa nga ba ako maghahanap ng masarap na kare-kare kung meron namang magluluto nito para sa akin?
feat.greeneAA: Uu
vlntnred.nati: Luto ka.
feat.greeneAA: Ayoko katamad
vlntnred.nati: Kailan ba hindi?
feat.greeneAA: Excuse me lang ha ako kaya nagsaing kaninang umaga!
vlntnred.nati: Sinaing pala 'yon akala ko lugaw.
feat.greeneAA: Ang basher mo eh ang dami mo ngang nakain
vlntnred.nati: Bawal magsayang ng pagkain sabi ni mommy.
feat.greeneAA: Eh wala naman 'yung mommy mo
vlntnred.nati: Ewan ko sayo, Greene. Kumain ka na ba?
feat.greeneAA: Wow, concerned. Parang hindi mo binash sinaing ko
vlntnred.nati: Oo at hindi lang ang dami mo ng sinabi.
feat.greeneAA: Wala pa. Nagccrave ako ng kare-kare

BINABASA MO ANG
Home Smells Like You (Home #1)
Romance(Home Series #1) The moment Greene Archangel Arcillas woke up one morning with someone who was hugging him from the back, that's when he knew home was not just a place but a feeling you built with someone.