Chapter 20

1.9K 82 19
                                    

Aiah's POV



Location : Prada Studio| 02:00 P.M.






Ngiting-ngiti ako habang inaayusan ng makeup artist. Kahit pilit kong itinatago, hindi ko maalis ang maliit na ngiti na sumisilip sa mga labi ko.





"Okay ka lang ba, Ms. Arceta? Parang ang saya-saya mo today," tanong ng stylist habang inaayos ang buhok ko.





I nodded, trying to act nonchalant, pero sa loob-loob ko, parang gusto kong sumigaw sa saya. "Yeah, I'm fine," sagot ko, pero ramdam kong hindi ko maitago ang kilig sa boses ko.





Hindi ko pa rin kasi ma-process yung sinabi ni Mikhael kaninang umaga. Gusto niyang mag-out of the country kami—for a whole week.







A whole week. Just the two of us.





"May good news ba na hindi mo sinasabi sa amin?" tanong naman ng makeup artist habang nilalagyan ng lipstick ang mga labi ko. "Baka naman in love ka, Ms. Arceta?" sumilay ang mapanuksong ngiti nito.







Napatawa ako at napailing, pero ramdam ko na nag iinit ang pisngi ko. "Wala, ang saya lang siguro ng araw ko ngayon," palusot ko.






Pero ang totoo, para akong nasa ulap. Hindi ko expected na magiging ganito si Mikhael. Siya pa ang nag-suggest na magbakasyon kaming dalawa. Dati, ang layo ng tingin niya sa akin—parang wala akong halaga sa buhay niya. Pero ngayon, she's making an effort, and it's throwing me off in the best way possible.






"Alright, all done!" sabi ng makeup artist habang nilalagay ang finishing touches. "You look stunning, Ms. Arceta."






"Thanks," sagot ko, pero ang isip ko lumilipad pa rin.





Hindi ko maiwasang isipin, bakit bigla siyang nagbago? Bakit ngayon? Pero kahit maraming tanong sa isip ko, isa lang ang sigurado ako—masaya ako.





Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin, hindi ko napigilan ang ngiti ko. This wasn't just because of the photoshoot or the glam team.








It was because of her.






Habang hinihintay ko ang tawag ng photographer para sa first set, naupo ako saglit sa isang sulok, pinagmamasdan ang lahat ng tao na abala sa kani-kanilang trabaho. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maialis sa isip ko ang nangyari kaninang umaga.






"I'll l handle everything else."






Nauulit-ulit sa utak ko ang boses ni Mikhael. Ang tono niya—firm pero may lambing. Gusto ko sanang isipin na biro lang 'yun, pero hindi. She was serious.







Napatitig ako sa cellphone ko. Nasa bag ko lang, pero parang gusto ko siyang i-text o tawagan para lang siguraduhing hindi panaginip ang lahat. Pero ano sasabihin ko?






"Ms. Arceta, we're ready for you!" tawag ng assistant director.







Nagising ako sa pag-iisip at tumayo agad, ang ngiti ko hindi pa rin mabura. Habang naglalakad papunta sa set, naririnig ko ang stylist at makeup artist na nagbubulungan sa likod.








"Grabe 'yung glow niya today, no?"





"Baka naman talaga in love, sis," sagot ng isa.









Her Unwanted Marriage  | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon