Chapter 27

431 9 0
                                        

Nandito na kami ngayon sa tapat ng vacant room. May one hour vacant kami ngayon bago mag lunch time. Kaya paglabas pa lang ng teacher namin ay lumabas na rin sila para buksan itong kwarto na 'to.

"Maalikabok lang. Walis saka lampaso lang 'to." sabi ni Jude.

"Oo saka punas din ng mga gamit." si Ryker.

Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Mas maliit sya kumpara sa classroom namin pero hindi naman sya masikip para sa aming lahat. May mga naka takip na sa tingin ko ay mga pang luto nila noon.

Agad din naman nilang tinanggal ang mga tela na naka takip at bumungad sa amin ang mga gamit nga nila pang luto. At wag ka hindi lang basta mga ordinaryong pang luto ang nandito. May coffee maker sila, microwave.

"Hindi ba tayo pag babawalan nyan? I mean kuryente pa rin ng school ang gagamitin natin tapos may coffee maker, microwave, rice cooker at dispenser tayo dito." I asked them.

Inakbayan naman ako ni Saint. "Hindi bossing. Kahit nga mag dala pa tayo ng mini ref dito wala silang pakialam."

"Nung third year kasi kami na banned din kami sa cafeteria. Buong taon namin kasi second day pa lang nakipag away na kami doon. Tinanggap namin yung parusa na yon pero sinabi rin namin na kailangan namin ng mga gamit pang luto para sa breaktime namin at lunch. Ayaw naman namin araw araw mag take out sa mga fast food chain. Ayon pumayag sila kaya nag dala kami nitong mga appliances na available sa mga bahay namin." Paliwanag ni Greg.

Napatango naman ako sa kanila.

"Check the appliances first if it's still working. Yung iba kumuha na ng mga walis at pamunas para makapag umpisa na tayo." Utos ni T.

"Alam ko may mga basahan dyan sa cabinet sa baba." si Toby.

Lumabas naman ang ibang kumag at pagbalik ay may mga dala na silang mga tambo at dustpan.

"Ako na mag wawalis." Prisinta ko. Inabot naman ni Oli sakin yung isang walis, tatlo kasi ang dala nila.

Habang yung ibang boys ay inaasikaso ang mga appliances kung nagana pa. Si Cloud, T, Brett at kambal. Yung ibang kumag naman ay nag umpisa na rin mag punas ng ibang lamesa at upuan.

"Anak ng pu- umayos ka M tatambuin ko mukha mo." Banta ni Jude dito kay M na hyper na naman.

Paano ba naman kasi si Jude ang inaagiwan imbes na yung mga bintana.

"Baka kasi sinasapot na yang alaga mo. Matagal pa naman na atang walang pasok yan."

Nung una ay hindi ko pa naiintindihan yung sinabi ni M pero kalaunan naintindihan ko rin ng mag tawanan itong mga kumag.

"Gago. Tulad mo kasi ako sayo kung kani kanino lang pumapasok. Magka sakit ka sana." Balik na sagot ni Jude.

"Hoy! Ano ka dyan? Sinasapot na nga rin ako eh." Sabay agiw nya rin sa gitnang parte nya. "Bagong buhay na 'to boy. Takot ko lang mahawaan."

Mga siraulo talaga.

"Mag linis kayo. Hindi puro sex life nyo pinag uusapan nyo." Asik ko sa kanila.

Kamot ulo naman silang nag tuloy sa paglilinis. Ako naman ay lumapit na dito sa mga nag aayos ng appliances, hindi na kasi sila umalis dito.

"Anong pinag uusapan nila don?" Tanong ni Hayden pag lapit ko.

"Sex life nila. Mga tigang na." Bored na sagot ko.

Malakas naman natawa si Hayden at Brett. "Iba ka talaga Astra. Normal na normal sayo yung topic." ani Brett.

"Ikaw ba naman palibutan ng labing pitong lalaki. Araw araw pang sabihin na kulang na sila sa sex life, hindi ka ba naman masanay." Iling ko sa kanila.

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now