Chapter 8

5K 239 124
                                    

"Greene. . ." rinig kong tawag ni Red sa akin mula sa kusina.

Inaayos ko ngayon ang set-up ng sala na pagpupuwestuhan namin ni Red dahil bigla siyang nag-aya magmovie marathon. Mabuti na lang at parehas kami na walang Saturday class kaya malaya kaming makapagpuyat ngayon.

Sakto at naitabi ko 'yung inorder ko dati na wireless portable mini projector na binili ko dahil ang galing magpromote ng content creator na napanood ko sa Tiktok. Dinaganan niya na 'yung product pero gumagana pa rin. Halatang matibay!

Ang hilig ko rin kasi talagang magbinge watch ng anime, tapos nasaktuhan pa na pagscroll sa tiktok feed ko, lumabas 'yong mini projector.

Dahil isa akong impulsive buyer, chineck out ko kaagad.

Kaso no'ng dumating naman, hindi ko rin nagamit dahil bigla na akong tinamad manood ng anime tapos ilang araw na ring nasa Shenzhen sorting centre 'yung order ko.

"Greene, do you like it spicy?" Red called me again when I didn't respond to him awhile ago.

"Oo, 'tol!" I replied.

Red is preparing a snack for us to eat while watching. Sakto naman na hindi ko pa nakakakain 'yung Mr. Chips na nilagay ko sa cart no'ng naggrocery kami.

Since ang 'e' sa Red ay healthy living, he wanted to make a beef nachos. Nakita niya kasi akong nag-s-scroll sa Foodpanda ng mga fastfood kung saan may masarap na pizza.

"Wow," manghang sambit ko pagkalapag ni Red ng beef nachos sa table.

It looks appetizing. Mouthwatering. Tasty. Delectable. Yummy. Finger-licking. Finger-licking?!

"Nasa Masterchef ka ba at may pa plating ka pang nalalaman?" I asked while still in awe.

Grabe naman 'tong si Valentino Redrick 'Yes I Do The Cooking' Nati at talagang pang five star hotel pa ang hinandang kutkutin.

"That's just a simple nachos. Nothing special." He said flatly.

Pumunta ulit siyang kusina at may kinuha doon.

"Here," abot niya sa 'kin ng isang basong may lamang freshly squeezed orange juice.

"Sure ka bang Psych major ka?" I asked as I slightly narrowed my eyes at him.

Nasa maling kurso ata 'tong si Valentino! Dapat talaga rito Culinary ang kinuha, eh.

"A simple 'Ang sarap mo, Red' will do." He replied with a wry grin, fishing for compliments.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Patikim nga kung masarap," patol ko sa biro niya.

Red's eyes widened in surprise and he remained silent for a moment, pressing his lips together.

"I mean. . . 'yung gawa ko. 'Yung gawa ko iyong masarap, Greene. Tch." Nauutal niyang sabi habang ang mata ay hindi malaman kung saan ititingin.

Kung hindi pa tumama ang ilaw na nagmumula sa screen ng laptop ay hindi ko pa mapapansin ang pamumula ng pisngi niya.

Ako pa hinamon mo sa ganiyan, eh, batak ako pumick-up lines.

To alleviate the sudden awkwardness, I click the play button.

"Ano nga ulit title nito?" tanong ko sa kaniya to divert his attention.

Kumuha ako ng ginawang nachos ni Red at sinimulan ang mini mukbang session ko. Malasa at saktong-sakto lang ang timpla. Hindi ganoon kaanghang at hindi sobra sa alat ang beef. Five star ka sa akin, Valentino!

"Split," inayos niya ang upo at umurong ng konti sa tabi ko.

"Tungkol saan 'to?" kuryosong tanong ko.

Home Smells Like You (Home #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon