CHAPTER 21

2.2K 58 17
                                    

CALL

ALMERA'S POV

Pagod akong bumuntong hininga at nahiga sa aking kama, ang bilis talaga ng oras.

Parang kanina lang ay kumakain ako kasama si clark, ngayon naman ay nakahiga na ako at subrang bigat ng nararamdaman.

“Let's stop this deal, clark”

Umiling ako ng maalala na naman ang mga nangyari kanina, matapos ko kasing sabihin ang mga katagang iyon ay hindi na ako kinibo ni clark hanggang sa bumalik kami sa company.

Hindi ko rin ito nakita kanina nang lumabas ako sa opisina ko para umuwi na.

“Sa tingin ko ay bumalik na kami sa dati” malungkot akong ngumiti, tumayo ako mula sa pagkakahiga at pumasok sa banyo para maligo.

Nang matapos ay nag suot lang ako ng manipis na puting bistida.

Umupo ako at humarap vanity mirror para gawin ang beauty routine ko bago ako matulog, kahit medyo stress na ang mga kaganapan lately sa buhay ko ay kailangan maganda parin ako.

“Shit!” I was startled when I heard a loud clap of thunder, followed by heavy rain.

Tinatangay ng malakas na hangin ang puting kurtina na nasa teresa kaya tumayo ako at linapitan ito para isarado ang glass sliding door.

Masyadong mahangin, nilalamig ako.

Nang masarado ito ay napayakap ako sa sarili ng biglaang dumilim ang paligid.

“Seriously? Ngayon pa nawalan ng ilaw?!” kinapakapa ko ang paligid, mabuti na rin talaga at malakas ang kulog at kidlat kaya medyo nakakapagbigay ito ng liwanag panandalian.

Kaya naman ay nakita ko agad ang shoulder bag ko na ginamit ko kanina sa work, nasa loob nun ang cellphone ko.

I quickly went to my bag and grabbed my phone, turning on the flashlight.

“My gosh! Sana naman pinatapos muna ako sa beauty routine before—” natigilan ako sa pag rereklamo ng makarinig ako ng ingay sa ibaba.

Sa pagkakaalam ko ay wala pa dito si clark ang asawa ko, we don't have any maid, and I wasn't expecting any visitors at this time.

Napalunok ako.

Should I call him? clark?

I walked slowly out of my room, ginamit ko ang ilaw ng phone ko para naman ay makita ko ang daraanan ko.

Nang makababa na ako sa hagdan ay nilibot ko ang paningin, wala naman akong napansin na kahit ano or kakaiba.

I breathed a sigh of relief, maybe I was just hearing things,maybe it was just my imagination.

Babalik na sana ako nang may nakita akong parang isang anino, kaya mabilis kong pinatay ang ilaw ng phone ko.

I slowly walked towards the area where I saw the shadow, and making sure not to make any noise.

Kahit nahihirapan sa paglalakad dahil sa subrang dilim at sa nararamdamang takot ay nilakasan ko ang loob ko.

Baka hallucinations mo lang ang nakita mo kanina, almera.

Dinala ako nang mga paa ko sa bukana ng kusina, dahan dahan akong sumilip doon at tuloyan na nga akong tinakasan ng dugo at nanlamig ang buong katawan nang makita ang tatlong katao na nasa kusina at may kung anong hinahanap.

“Anong bang hinahanap natin dito pare?” tanong noong may kaliitang mama.

“Pera” sagot ng kasama niyang panay tapon ng mga kung ano-anong gamit, like utensils, plates and glass.

Oh God! Subrang mahal ng bili ko ng mga 'yan!

“Gago pera? Eh bat tayo nasa kusina, doon tayo sa itaas baka nandoon 'yong limpak-limpak na perang kailangan natin!” usal ng isang panay kain nang mga foods sa ref.

“Oo nga pre! Tara na! Habang wala pa 'yong may ari!” sabi ulit ng maliit na mama.

Mabilis naman akong nagtago sa gilid, kung saan hindi ako makikita.

Aaminin kung sana'y ako sa mga ganitong setwasyon dahil sa estado namin sa buhay, at sa kung anong trabaho ni Uncle.

Pero hindi ko parin maiwasang hindi kabahan, baka mamatay ako nito ng mas maaga kisa sa ine-expect ko!

Umupo ako at isiniksik ang sarili ko sa gilid, hindi ko na nga alam kung saang parte ako ng mansion dahil sa subrang dilim.

Binuksan ko ang phone ko at sinubukang tawagan si uncle at nang makita ko kong paano nanginginig ang mga kamay ko ngayon ay ikinalma ko ang sarili ko.

“Okay, calm down almera..” mahinang bulong ko, pero parang maiiyak na ng hindi sinasagot ni uncle ang tawag ko.

Binaba ko ang phone ko at napakagat sa labi naiiyak na.

“Bahala na” sunod kong tinawagan si Clark “Please answer your phone, kahit ngayon lang..” palingo-lingon pa ako sa paligid kahit na purong dilim lang ang nakikita ko.

And I was shocked when he answered his phone immediately.

Napalunok ako, muntik pang mapaiyak. This was the first time he answered my call..

“Yes?” I felt relieved when I heard his deep voice.

I felt safe, already..

END OF CHAPTER 21

Obsessed With A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon