Chapter 35

781 41 2
                                    

Mikha Lim





Sa buong araw na lumipas, wala akong ginawa kundi mag-filming. Ang bawat eksena, paulit-ulit naming kinukuha hanggang sa ma-perfect ni Direk ang gusto niya. Wala na akong energy makipag-usap sa mga tao sa paligid ko, lalo na kay Sophia na panay pa rin ang papansin sa akin.



Habang nasa break, napatingin ako sa paligid. Lahat abala sa kanya-kanyang ginagawa, pero ako, parang na-stuck sa sarili kong mundo. Kinuha ko ang script ko at sinubukang basahin ulit, pero kahit ilang beses kong tingnan ang mga linya, parang hindi pumapasok sa utak ko.






Si Aiah pa rin ang iniisip ko. Hindi ko alam kung galit siya sa akin, o kung nag-aalala siya. Lalo akong napapaisip kung ano ang sinabi niya nang makita ang trending kagabi. Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa malayo.






"Ready ka na for the next scene?" tanong ng assistant director, na parang hindi napansin ang simangot ko.







Tumango na lang ako at tumayo. "Yeah, tara na."




Pagbalik ko sa set, pilit kong binalik ang focus ko sa trabaho, pero hindi ko talaga maalis sa isip ko si Aiah. Tuwing titigil ang camera, parang automatic na babalik ang utak ko sa kanya. Sa mga oras na lumipas, puro trabaho, pero sa loob-loob ko, gusto ko nang matapos ang araw para makausap siya.






Habang inaayos ang camera para sa susunod na take, napansin kong tumingin si Sophia sa akin. Napangiti siya, pero hindi ko pinansin. Tumalikod ako at nag-focus sa props na hawak ko, pilit iniwasan ang anumang usapan.







Maghapon akong nagtrabaho, pero sa totoo lang, parang hindi rin ako umuusad. Ang bigat ng pakiramdam ko, at alam kong hindi lang dahil sa pagod. Ang totoo, gusto ko lang makausap si Aiah at magpaliwanag.






:


Pagkatapos ng huling shooting, sinabi ni Direk na magdi-dinner daw kaming lahat kasama ang buong team. Sa totoo lang, gusto ko nang bumalik sa Hotel at magpahinga, pero dahil respeto na rin kay Direk at sa effort ng lahat, sumama na rin ako.



"Dinner lang 'to, ha," sabi ni Direk habang nasa van kami. Napatingin ako kay Manager, na mukhang wala rin idea kung saan kami dadalhin.





Pagdating namin sa restaurant, nagsimula nang kumain at magkwentuhan ang lahat. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko dahil puro kwelang usapan ang naririnig ko. Pero matapos ang ilang oras, biglang sinabi ni Direk, 'Tara, sa bar naman tayo. Sagot ko na!"




Halos sabay-sabay kaming napatingin. Napairap ako nang hindi halata at tumingin kay Manager, pero tinapik niya lang ang balikat ko at sinabing, "Relax ka lang, Mikha. Sumama ka nalang." aniya pa. Nakasimangot na ako ng tuluyan at hindi na nag abalang itago ang expression ko. Nailing nalang si Manager at hinawakan ako sa braso at hinila pasakay sa Van.





Wala na akong nagawa kundi sumama. Pagdating namin sa bar, nag-rent ng VIP room si Direk para sa team. Malaki ang lugar, may sofa, mesa, at kahit karaoke machine. Ilang minuto lang, may mga bote na ng alak sa mesa.





Habang umiinom ang lahat, naupo ako sa isang sulok, kasama si Manager na tahimik lang rin. "Ayoko talaga ng ganito," bulong ko sa kanya.





"Chill ka lang, Mikha. Hindi naman masama kung minsan mag-relax," sagot niya habang umiinom ng cocktail.







Lumapit si Sophia, may dalang shot glass. "Mikha, ang tahimik mo. Inom ka naman, relax lang."






Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon