Chapter 7

4.5K 248 98
                                    

Dumaan muna akong Jollibee malapit sa Avida bago umuwi sa condo ko dahil feeling ko deserved kong kumain ng marami ngayon.

Sayang naman 'yung napanalunan ko kung ipang-o-online shopping ko lang. Ang hilig ko kasing bumili sa orange app ng kung ano-ano. Kapag may nakita akong trending sa Tiktok, bibilhin ko kaagad. Tapos kapag dumating na, madidismaya ako kasi ang layo sa expectations ko kaya hindi ko rin mapapakinabangan.

Maigi nang sa pagkain ko na lang iwaldas. Sabi nga nila, huwag mong tipirin ang sarili sa pagkain. Tapos kapag wala na akong pera kakabili ng pagkain, siyempre gagamitan ko na ng God will provide card.

Umorder ako ng isang bucket ng chicken joy, a platter of jolly spaghetti, a medium size of coke float, and five pieces peach mango pie. Treat ko na rin sa sarili ko dahil ngayon na lang ulit ako nagfastfood.

"Matutuwa panigurado ang anak niyo, Sir, sa pasalubong niyo." Bati sa akin ng guard pagtapak ko sa building.

I stood in the entrance, dumbfounded.

"Grabe, boss! Estudyante pa lang ako."

Alam ko namang stressed ako sa acads pero hindi naman to the point na nagmumukha akong may binubuhay na tatlong pamilya at puro panganay na anak.

"Sayang ka, Kuya, bibigyan pa naman sana kita ng dalawang chicken joy." I mumbled.

"Mukhang ang daming handa sa kid's party na napuntahan mo at nakapag-sharon ka pa."

Tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses.

"Excuse me lang, ha! Binili ko kaya 'to!" I scowled at Red.

Tumayo si Red sa couch na nasa lobby at lumapit sa 'kin para sumabay maglakad papuntang elevator.

"Tagal mo," aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sino ba kasi nagsabi sa 'yo na maghintay? May sarili ka naman ng susi 'di ka pa pumasok sa unit."

"Kulit. Ayoko nga sabing pumasok na wala doon 'yung may-ari." He retorted.

"Magnanakaw ka ba?"

"Hindi," he answered, without a thought.

"Iyon naman pala, eh. Ano pang inaarte mo at may paghintay ka pa?" Binuksan ko ang plastic bag na may lamang peach mango pie at kumain ng isa.

He shrugged.

"Dinner mo na 'yan?"

"Wow, ha! Makajudge?"

Lumalabas na naman ang pagiging hater ni Red sa fastfood. Akala mo talaga never siyang kumain ng fastfood!

"Nagtatanong lang, Greene." He explained.

"Tanong daw pero parang tunog nang-j-judge." Ismid ko. May dumating ng elevator at pumasok na kami. Si Red ang pumindot ng 17th floor button.

"Hindi mo ba kayang mabuhay na hindi nag-f-fastfood?" Para kong naririnig ang boses ni Mama sa tanong ni Red.

"Kaya ko naman. Pero kung hindi ko naman ikamamatay, ba't ko ititigil?" Sagot ko. "Eh, ikaw, ba't ang hater mo?" Taas kilay kong tanong.

"Unhealthy," tipid niyang sagot.

"Mamamatay rin naman tayong lahat." I remarked and then went out of the elevator when it was already the 17th floor.

Red opened the door of our unit. Dumiretso ako sa kusina at nilapag ang pagkain na bitbit ko.

"Alas onse na. Ang hassle kung magluluto ka pa. Kumuha ka na lang dito at marami naman akong inorder."

Lumapit siya at umupo sa katapat kong upuan. Ilang minuto na ang nakalipas at wala pa ring imik si Red. Para tuloy siyang nanonood ng live mukbang.

Home Smells Like You (Home #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon