Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang i-follow back ako ni Red sa IG at simula rin no'n, nagprivate account na ako.
Ang daming nagcomment sa story ko kasama si Red na hindi naman familiar sa akin. May mga nagmessage pa sa account ko at nanghihingi ng mukha ni Red na natutulog.
Kaya minsan ang alarming na rin kapag nasobrahan na sa paggamit ng social media ang mga tao.
At hindi ko alam kung matatawa ba ako o mapipikon sa mga reply na nabasa ko sa naging story ko sa IG.
user123456789 replied to your story: hala ampopogi huhu
not_dumpacc replied to your story: imposibleng di nag-
qwerty4ever replied to your story: mine sa singkit!!!!
pussycatloveR replied to your story: kaya pala nauubusan na ng lalaki kasi sila sila na rin ang nagkakatuluyan
asosasyon143 replied to your story: ama namin ang singkit ay para sa akin
bembangtheory69 replied to your story: tanginang inggit to parang gusto ko na lang maglapag ng bible verse
Iilan lang 'yan sa mga comments na tumatak sa akin nang magbukas ng DM. Mayroon pa nga ro'n nagtatanong ng sauce at anong AU title raw. Kamuntik ko pang ibato ang cellphone ko dahil sa sunod-sunod na notifications. In game pa naman ako no'n at nagpaparank up pa.
Pagkatapos ng klase dumiretso na agad ako sa tambayan naming magtotropa dahil ngayong araw pala ang pustahan namin sa kabilang university. Akala ko ay hindi na iyon tuloy kung hindi pa ako pinagmemention ng mga kumag sa gc namin.
TBA bros
Lemuel:
Boi wag mong kalimutan ngayon yung pustahan @Greene
Yue:
Big time mga kalaban tol tigpa 5k ang pusta bawat isa @Greene
Zach:
May isa dun @Greene gigil na durugin ka palibhasa natalo mo sa 1v1 noon ahahahah
Russ:
Kapag mas lamang death ni @Lemuel kaysa sa kill isa isa natin siyang tatampalin ng tikoy
Sagot ko na ang tikoy @everyone
Greene:
Kaya pala sumasakit muscles ko may mga magpapabuhat na naman
Lemuel:
Ulol kupal gawin kitang palaman diyan ng siopao e ./. @Russel
Bago ako makalabas sa main exit ng campus, may nadaanan pa akong nagtitipon-tipon ng mga nakaputing estudyante. May org meeting ata sila dahil may nagsasalita sa harap na naka all white uniform din.Kung titingnan sa malayo para silang mga nagkukumpulang bibe. Hindi ko lang sure kung mga Psych major ba 'to, Medtech, o Nursing.
Mabuti na lang pagkarating ko sa Carreon Café & Chill, ang tambayan namin, ay hindi ganoon karaming tao. Sinuyod ng mga mata ko ang lugar at nang may pumaimbabaw na tawanan ay agad kong nakumpirma kung saan sila nakapwesto.
"Okay nga lang 'yon, bro. Hindi lang naman 'yon ang magdidikta sa midterm grade mo." Pag-alo ni Zach kay Lemuel na ngayon ay nakasubsob ang ulo sa mesa.

BINABASA MO ANG
Home Smells Like You (Home #1)
Romance(Home Series #1) The moment Greene Archangel Arcillas woke up one morning with someone who was hugging him from the back, that's when he knew home was not just a place but a feeling you built with someone.