Chapter 16

560 41 7
                                    

Xarienne


I was peacefully driving, kakatapos lang ng klase kaya naman agad akong nagpaalam sa dalawa inaaya pa nga nila ako sa mall pero sabi ko pinapauwi ako mama ng maaga. Next time I'll bring the two para naman makapag-bonding kami at para makilala na ng parents ko si Love for sure, magiging close sila

For the last few days,  hindi kami masyadong nag-uusap ni Adira ni hindi nga kami masyadong nagkikita dahil busy ito sa magaganap na event sa school, as for me busy rin ako gumawa ng activities and project

Adira sometimes chat me or text me about the project ang totoo ay sya ang gumawa ng lahat ng iyon kaya ngayun ay nag-aantay nalang kami kung kailan ang presentation. Nagulat nalang ako ng may nag-email sa'kin tapos nagsend ng file about project. Nang tanungin ko naman sya ay sabi nya lang na para daw hindi na ako magpuyat kakagawa non kaya tinapos nya na

Gustuhin ko mang tumulong pero ang sabi nya ay ireview ko nalang daw yung file, so i did. Tinanong ko ang dalawa about project and they say na okay naman daw napapansin ko lang nung mga nakaraang araw parang palaging masakit ang katawan ni Love palagi rin syang pagod at puyat ng tanungin ko naman ang sabi nya lang ay kakanood nya ng k-drama. Eh???

Pagkaparada ko ng kotse ay agad akong bumaba. Binuksan ni Nanay Nina ang pinto magalang naman akong ngumiti at nagpasalamat. Aakyat na sana ako papunta sa kwarto ng makarinig ako ng tawanan sa kusina

Dahan-dahan akong naglakad papunta roon parang may ibang kausap si mama at papa naririnig ko kase usapan nila eh

“really hija? That's great”

“Ang swerte naman pala ng anak namin sayo”

Sino bang kausap nila? Bakit parang tungkol ata iyon sa'kin. Nakarating ako sa kusina pero nanatili akong malayo sa pwesto nila at pinagmasdan silang nag-uusap

gaano na kayo katagal hija? Wala kaseng naikwento ang anak ko”

Uhm, 1 week palang naman po kami po. Maybe She's finding a right time to tell you”

Napatakip ako ng bibig ng marinig syang magsalita ng tagalog hihi ang cute halatang hindi sanay. Pero ano bang pinaguusapan nila? 1 week? sinong 1 week?

Sumilip ako sa loob at nakitang nakaupo si Adira habang kaharap si papa nakaupo naman si mama sa tabi ni Adira. She has a calm face may kunting ngiti na sumusupil sa mga mapupulang labi nya

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila “Mama, Papa I'm home” agad akong lumapit kay mama para humalik ganon din kay papa

Umupo ako sa kabisera matapos silang halikan sa pisngi nagtataka naman akong tiningnan ng magulang ko


May problema ba?

“Why don't you kiss your girlfriend anak?”

Napatulala ako sa sinabi ni mama. What girlfriend? Napatingin ako kay Adira na ngayun ay nakangisi

“What girlfriend ma?”

“Itong si Adira” itinuro ni papa si Adira “She told us that you two are in a relationship bakit wala kang sinabi saamin?” nagtatampo sambit ni papa “Are you thinking na magagalit kami?”

Napanganga ako sa sinabi nya. What?? Girlfriend? Teka kailan, saan at paano? Tumingin ako kay Adira hoping for an answer dahil wala akong alam. Ni hindi nga kami nagligawan tapos magsasabi sya sa parents ko na kami na?

“Ma—”


“Sorry tito, tita Dion and I had a misunderstanding kaya siguro hindi nya nasabi sainyo because She's still mad at me”

“Ganon ba? Kung ganon ay pag-usapan nyo yan. Iiwanan muna namin kayo para makapag-usap kayo ng maayos okay?” mom stand up then kiss me on left cheek ganon din ang ginawa ni dad after that they bid goodbye to us

Tumingin ako kay Adira. I need explanation right kase wala atang na process ni isang detail ang utak ko eh


*****


I'm sitting in the edge of the sofa while she's on a single couch malagkit itong nakatingin saakin na para bang wala syang ibang makita kundi ako lang

Hinila nya ako papunta rito sa condo ko when i asked her ang sabi nya lang ay mas maganda raw mag-usap ng kami lang at walang tao sa paligid

Kanina pa kami nasa ganitong pwesto sa tingin ko ay mahigit 10 minuted nya akong tinititigan parang tatlong beses lang ata syang kumurap eh

“Why did you tell my parents that we're in a relationship?” pagbasag ko sa katahimikan

“ 'Cause we are”


“Since when?”


“The moment you kiss me”

What???? Dahil sa hinalikan ko sya kami na agad? Wala manlang ligawan ganon? Relationship agad, bakit parang ang bilis?!!!

I know that i have feelings for her. Yes, inaamin ko gusto ko sya hindi ito infatuation or what, and yes kinain ko lahat ng salita ko na straight ako kase binaliko ako ng isang toh

Pero wala manlang ba syang balak ligawan muna ako?? I mean...wag na nga

“The day you kiss me is also the day we became girlfriends” hindi ko napansin na nakatayo na pala sya sa harap ko

She caress my cheek using her palm yumuko ito para mapantayan ang mukha ko. Nagulat ako ng halikan neto ang kaliwa kong pisngi agad na namula ang mukha ko sa ginawa nya

She kissed my forehead down to my nose down to my left and right cheek then give my lips a peck. Hindi ko magawang magsalita sa gulat



“Don't worry baby, I promise to you that I'll take care of you, give you what you want spoil you like a princess and treat you like queen”



Napahawak ako sa magkabila nyang kamay na hinahaplos ang magkabila kong pisngi. I cannot utter a single word her sincere voice keep repeating in my head

Theres a familiar light in her black eyes it seems sparkling with different emotion. Her lips painted with red had a small smile, but you can clearly see that it's genuine



“take care of me”




Tanging salitang iyon ang lumabas sa mga labi ko punong-puno ng kakaibang emosyon ang katawan ko hindi ko iyon maipaliwanag. Ang mga paruparo sa tyan ko ay nagwawala ang bilis ng tibok ng puso ko na parang gustong kumawala



Unti-unti nyang inilapit ang mukha. Our lips met for a passionate kiss




I always believe that having a relationship with the same gender wasn't good idea, but look at me sharing a passionate kiss with a woman





She's not just a woman. She's Adira Leontios Ashcroft



My Woman



______

Sorry medyo natagalan ang update because of financial problem that's why..... Nag-o-over think pa ako kase baka hindi na ako makapag-aral so yun huhuhu

A/N:  baka matagalan ulit next update babawi nalang ako

Adira Leontios Obsession (Student × Student)Where stories live. Discover now