Chapter 5

4.9K 234 126
                                    

Napapansin ko habang tumatagal, tumitigas din ang mukha ni Red. Hindi ko alam kung nang-aasar siya pero kuhang-kuha niya ang inis ko.

Simula pa paglabas ng campus hanggang sa makasakay kami ay kanina niya pa kinakanta nang paulit-ulit ang Chinito ni Yeng Constantino.

"At kung ikaw ay nakatawa, ako pa ba ay nakikita. . ."

At talagang may pagpikit pa. Feel na feel naman. Buti sana kung tama ang mga lyrics niya, mali-mali naman!

"Oh chinito. . . chinito. . ." At nagawa niya pa talagang magvibrato.

Pumalakpak ako no'ng tumigil na si Red sa pagkanta. Halos malukot pa ang mukha ko nang balingan ko ang gawi niya. He stood there, chest lifted, and there was a small, satisfied smile tugged at the corners of his mouth.

"Grabe ka 'tol, ang galing!" Hilaw na pagpuri ko. "Ang lamig sa tainga, init sa ulo."

Bumunghalit ito ng tawa.

"Sakit mo naman, Greene." Sabi ni Red nang medyo kumalma na siya kakatawa.

Naglalakad kami ngayon papuntang grocery story. Paubos na ang stocks na nabili namin nitong nakaraang araw. Hindi na rin nakapagtataka dahil parehas kaming lalaki ni Red at ang lakas din naman talaga naming magconsume ng pagkain.

Walking distance lang naman mula Avida ang grocery store na pagbibilhan namin.

We talked random things while walking. Actually parang ako nga lang ang nagsasalita dahil nakikinig lang si Red. Tatango siya paminsan-minsan kapag mag-a-agree sa sasabihin ko.

"Red, bakit hindi puwedeng maligo ang kalbo sa swimming pool?" I suddenly asked while trying not to outburst in laughter with my silly joke.

A subtle crease appeared on his forehead as he frowned, his brows forrowing in concentration.

"Why?"

"Kasi magmumukha silang fishball." Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya kumapit ako braso ni Red sa sobrang tawa.

"Why would they look like a fishball?" Confusion was written all over his face. I almost choked on my laughs when Red asked that.

"Hirap talaga magjoke 'pag hindi ka-humor." Tudyo ko.

"Greene. . . look," dinig kong tawag ni Red na nakatayo malapit sa isang poste ng ilaw.

Lumapit ako sa kanya na kanina pa pala nakatigil sa paglalakad. Kuryoso akong lumapit sa kaniya para malaman kung ano ang sinisipat niya. Isang ginger cat na napakataba!

"Ang cute naman ni Garfield!" Bulalas ko. Hinaplos ko ang balahibo nito. Maamo ang pusa at mukhang sanay na hinahawakan ng tao.

May dinukot sa bulsa si Red at mayamaya'y may inabot sa harap ng pusa.

"Saan galing ang cat treat mo?"

"I always bring cat treats with me." Inamoy muna ng pusa saka dinilaan ang cat treat na hawak ni Red.

Sobrang cute talaga. Ang taba pa niya halatang pinapakain nang maayos. Stray cat ito pero ang linis ng katawan.

Binuksan ko ang camera ng cellphone at kumuha ng litrato sa pusa. Iyon nga lang at mukhang napasama sa litrato si Red. Nakaside view ito habang pinapakain ang pusa. There was a glint of fondness in his eyes while feeding the cat.

"Iuwi kaya natin siya?"

"Hindi puwede. I think this cat has an owner. It has a collar." Doon ko lang napagtanto na may collar nga.

Bagsak ang balikat kong naglakad papasok ng grocery store. Akala ko mararanasan ko na ang cat distribution system.

"I never thought that you like cats," ani ni Red. "You look like a dog person to me."

Home Smells Like YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon