"Ano na namang kaguluhan to section 4?" salubong ni Mrs. Fuentabella pagpasok namin.
As expected, kami agad may kasalanan. Buhay nga naman parang life.
Nasa loob na yung anim na naka away ng mga kumag kasama si Annika, president at Dylan, vice president nila. Walang salita namang inabot ni Oli yung phone nya kay Mrs. Fuentabella. Agad naman namutla ulit itong mga hudas na nasa harapan namin.
"Scared are we?" Brett smirked.
"We're just joking around Ma'am." saad nitong isang hudas.
Hindi sumagot si Mrs. Fuentabella at nag pokus sa panonood.
"You're such a disappointment section 2." Mrs. Fuentabella said while shaking her head. "Joking? Does sexual harassment is a joke to you Richard Campita?" Lumingon naman sya sa pwesto namin. "At kayo section 4, lagi na lang ba pakikipag suntukan ang solusyon nyo sa ganito?"
"Makikita nyo naman po sa CCTV ng cafeteria, matapos nya ako sagiin tinignan ko lang sya ng masama, palalagpasin ko sana yon. Pero ibang usapan yung bastusin nya si Astra sa harap namin." saad ni Saint na seryosong seryoso ngayon.
Lima kaming nakaupo. Saint, MM, Toby, Oliver at ako. Nasa likod naman si Cloud at nakahawak sa mag kabilang balikat ko.
"Hanggat kaya umiiwas kami sa gulo dahil graduating kami. Pero kung ganyan din naman gagawin nila samin, wag na lang magpakabait. Ingat na ingat kami pagdating kay Astra tapos ganon mga sasabihin nila." dugtong ni Brett.
Tahimik lang ako na nakikinig sa kanila, nakayuko. Sa totoo lang naiiyak ako pero paulit ulit lang ako pumipikit para hindi matuloy ang pag iyak ko. I'm being emotional right now, maybe because of my menstruation. Pero isa rin sa dahilan ay yung pagtatanggol nila sakin, ang sarap pala sa pakiramdam na may handang mag tanggol sakin dito sa school. Ganito pala kasaya sa pakiramdam na may mga tao na handang makipag away para sayo.
"What's the chaos all about?" Pumasok ang principal ng school namin. I think he's 50 plus years old already, sya yung kamag anak nung lalaki na tinulungan ko sa cafeteria non.
Si Mrs. Fuentabella na ang nag detalye sa nangyari. Habang ang principal ay naka upo lang sa tabi nito.
"Pero bakit kayo nag video? Hindi kaya naka plano na sa inyo na galitin kami. Kumbaga set up nyo ito." Out of nowhere na sabi nung katabi ni Richard.
Ang bobo naman nito. Hindi talaga lahat ng nasa higher section may utak eh.
"Tanga ka ba? Sino ba nang trigger? Kayo diba. So ano yung sinasabi mo na ginalit namin kayo? Wag mo patayin wifi ng utak mo. Kailangan mo yan ngayon. Bobo." Maangas na sagot ni Toby.
Narinig ko pa ang mahinang tawa ng mga kumag na nasa likod. Ang tanga naman kasi nito, nasobrahan ata sa suntok.
"Bakit may video? Let's be real here. Kung wala yung video na yon magiging kasalanan na naman namin 'to, tama?" Ngisi ni Brett. "Alam na namin mga galaw nyo. Gagalitin nyo kami, uunahan nyo tapos pag gumanti kami kasalanan na namin bigla. Ganyan nangyayari lagi noong iba pa ang guidance officer, kakampi lagi ng nagrereklamo samin. Hindi pa naririnig side namin mali na agad namin. Pasensyahan na lang tayo hindi kami katulad nyo na puro salita, nananapak kami agad." Dugtong pa nya.
Nagka tinginan naman ang guidance officer at principal, sabay pang nag buntong hininga.
"Okay, that's enough." Mrs. Fuentabella said. "Section 2 students that's involved will have a one week suspension and two weeks community service. While section 4 student's involved will have two weeks suspension and two weeks community service. Mag uumpisa ito after intramurals."
