Mikhael's POV
Malalim ang katahimikan sa pagitan namin ni Johann habang pareho kaming nakaupo sa may counter hawak ang tig-isang baso ng whiskey. Malamig ang gabi, pero mas malamig ang titig niya sa akin matapos niyang bitawan ang sinabi niya kanina.
"Kung hindi mo kayang alagaan si Aiah, Mikhael, someone else will," ulit niya, sabay tagay at lunok sa alak. "At trust me, Caius is more than willing to take that chance."
Halos mabasag ang baso sa higpit ng pagkakahawak ko. Ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko. Pero alam kong hindi lang siya ang dahilan. Galit ako—galit ako sa sarili ko.
"Ano bang gusto mong palabasin, Johann?" malamig kong tanong, pilit pinipigilan ang galit ko.
Umismid siya, pero sa likod ng mapanukso niyang ngiti, alam kong seryoso siya. "Simple lang. Gusto kong makita mong ikaw ang may hawak ng sitwasyon. Hindi si Caius. Hindi si Aiah. Ikaw, Mikhael."
Tumitig ako sa baso ko, iniikot ang alak sa loob. Parang sinasabi niyang lahat ng nangyayari, kagagawan ko.
"Hindi mo maaayos 'to kung puro pride ang paiiralin mo," dagdag niya, sabay inom ng whiskey.
"Alam mo, napakadali mong magsalita," sagot ko, sinabayan ang mahinang pagtawa na puno ng inis. "Pero ikaw, Johann, nasubukan mo na bang gumawa ng desisyon na kahit anong gawin mo, mali?"
"Oo," diretso niyang sagot. "Halos wala tayong pinagkaiba noon. At iyon ang pinagsisihan ko dahil sa pride ko, hindi ko na napansin na nawalan na siya ng gana." aniya pa sabay titig sa baso na may laman na alak. "Alam mo ba Khael? Nagsisisi ako dahil hinayaan ko siyang mawala at hindi ko na naagapan."
Tumawa pa siya ng mapakla. "Iba na ang may hawak ng dati kong mundo. Ngayon na nakikita ko siyang masaya——Masaya na rin ako."
Hindi ako nakaimik. Ramdam ko rin ang lalim ng pinagdadaanan niya na sa tingin ko hanggang ngayon ay dinadala pa rin niya. I know who she's talking about.. Her ex-girlfriend—Stephanie.
"Johann," mahinang sabi ko, halos pabulong. "Anong gagawin ko?" tanong ko pa.
Napatingin siya sakin sabay hinga ng malalim bago nag pakawala ng pilit na ngiti.
"Simple lang, Khael. Kung gusto mong manatili si Aiah sa tabi mo, alagaan mo siya. Hindi mo kailangang pigilan ang mga pangarap niya. Suportahan mo siya. At higit sa lahat, ipakita mong mahalaga siya sa 'yo."
Natigilan ako. Tila sumisid sa utak ko ang bawat salita niya.
"Sa tingin mo ba, si Caius ang problema mo?" tanong niya ulit. "Hindi. Ang problema mo, sarili mo. Iyong pride mo. Iyong takot mong magpakita ng kahinaan. At ang takot mong aminin na mahal mo si Aiah."
Napanganga ako sa sinabi niya. Mahal? Mahal ko ba si Aiah? Baka nga mahal ko na hindi ko lang napapansin. Tanga ko naman.
"Hindi mo pa rin inaamin sa sarili mo, no?" sambit niya, pero halatang seryoso na ang usapan. "Mahal mo siya, Mikhael. At masakit, kasi iniisip mo, baka hindi ka niya mahal pabalik. Pero ang mas masakit, kung hayaan mong mawala siya sa 'yo dahil mas pinili mo 'yang pride mo."

BINABASA MO ANG
Her Unwanted Marriage | MikhAiah
FanfictionAiah Arceta has always lived in the shadow of her perfect twin sister, Ara, who was their family's pride. On the day of Ara's wedding to the powerful CEO Mikhael Lim, Ara unexpectedly runs away, leaving their family in chaos. To save their reputatio...