Hinila ako ni Red sa tabi niya at iniakbay ang kanang kamay sa balikat ko. Kung titingnan tuloy ay parang naging arm rest niya ako dahil sa tangkad niya.
"Cheeni, this is Greene, my roommate..." Pakilala ni Red sa 'kin kay Cheeni. "And Greene, this is Cheeni, Gab's girlfriend. You know him, right?" Baling ni Red sa gawi ko.
Sino ba namang hindi makakakilala kay Gab kung bukambibig siya ng mga propesor sa department namin? Bukod sa siya ang Editor in Chief ng official publication ng university, running for Summa Cum Laude rin ito.
Talo na agad. Ang running lang na kaya ko ay running away from my responsibilities.
At ano raw?! Boyfriend 'to ni Cheeni? May boyfriend si Cheeni?
Teka, kailan pa? Hindi naman kasi ako gano'n ka-active sa social media. 'Tsaka huling chat ko kay Cheeni, eh, no'ng Christmas pa.
Ang masama pa rito ay nagawa ko pa siyang i-chat gayong may karelasyon na pala siya. Ang gago mo, Greene. Balak mo pa atang manira ng relasyon.
Kaya pala walang nagrereply at inboxzoned lang ang chat ko. Mabuti na lang din iyon kaysa naman na may magreply tapos may mukha ng boyfriend niya at sasabihing 'Merry Christmas din, p're'.
Hard pass sa may jowa. Move on, Greene, kahit walang kayo.
Bumalik lang ang ulirat ko nang marinig ang malamyos na boses ni Cheeni.
"Hi, Greene. For sure nakikilala mo pa ako?" ngiting tanong nito. "As far as I remember, ikaw 'yung nagtanong sa 'kin kung nasaan ang CR no'ng freshmen orientation kasi natatae ka na." Natatawang kwento ni Cheeni.
Gumalaw ang buong katawan ko dahil nadadamay ako sa halakhak ni Red na hanggang ngayon ay nakaakbay pa rin sa 'kin.
Napakamot ako sa likod ng ulo nang maalala ang sinasabi ni Cheeni.
Okay na rin pa lang 'di ko na maging crush si Cheeni. Ang lala ng core memory niya sa akin.
"Ah, oo. Ako nga iyon." Nahihiyang kumpirma ko. "Ano pala ang ginagawa mo rito?" Takang tanong ko.
Sa kabila pa kaya ang building ng Psych dept tapos napadpad sila rito sa building namin.
"Dadaanan ko si Gab. Sabay kasi kaming uuwi." Nakangiti nitong tugon.
Ay, gano'n. Kung ako 'yan hindi kita gaganyanin. Ako ang dadayo. Pero 'di ba nga, Greene, move on na?
"Ah, sige. Una na kami." Paalam ko.
Tinanguan lang ni Red ni Cheeni at sinabayan akong maglakad.
Binalingan ko ng tingin si Red. Hindi pa rin talaga ako sanay na naka all white uniform siya. Puwede na siya maging modelo ng laundry detergent sa sobrang linis ng suot niya.
"Bakit?" Nang mapansin na nakatingin ako sa kaniya.
"Paano mo nalamang may boyfriend si Cheeni?" Kunot-noong tanong ko.
"Cheeni's one of my blockmates. Also, his boyfriend brags her in his social media accounts." Walang ganang litanya ni Red. Halatang hindi interesado sa buhay ng iba.
"Bakit mo natanong? Crush mo, pare?" Red gazed at me with curiosity.
Nahiya ako sa klase nang paninitig niya kaya umiwas ako ng tingin.
"Anong crush? Nagtanong lang, 'tol, crush agad?" Pakiramdam ko'y namumula na ang magkabilang tenga ko.
Red was not convinced with my excuses.
"But the way you look at her is like something you can't take your eyes off," his husky voice sounds like a predator hunting its prey. Nanghuhuli.
Ano ba naman 'tong si Valentino! Gusto pa atang palitan si Boy Abunda sa dami ng tanong.
Yumuko ito para lumebel ang mga mata sa akin kaya napaatras ako. He grinned boyishly.
"Mahilig ka pala sa mga singkit." He said in a hoarse voice, almost a whisper.
Nanlaki ang mata ko kaya't naitulak ko siya. Halos mapaupo pa ito sa sahig dahil sa impact.
"Gago! Pinagsasabi mo, 'tol?!" Ang init naman. Bakit ang init?
Tumawa ito na akala mo'y may nalaman siyang sagradong sikreto.
"Come on, Greene. Don't be shy. Ako lang naman ito," he teased. "At saka ano namang nakakahiya kung mahilig ka sa singkit?" He wiggled his brows.
"Talagang hindi ka titigil 'no?" Iritableng tanong ko sa kanya.
He ruffles my hair and smiles at me. "Huwag ka ro'n. Sa gwapo mong 'yan may mas deserving pa sa 'yo."
He stopped walking and looked straight in my eyes.
"May kakilala ako. Singkit din. Reto kita."
[ X]
notgreen 🔒 @archangel_ • 5h
why is god giving me his hardest battle (may bf na si crush)

BINABASA MO ANG
Home Smells Like You (Home #1)
Romance(Home Series #1) The moment Greene Archangel Arcillas woke up one morning with someone who was hugging him from the back, that's when he knew home was not just a place but a feeling you built with someone.