Ex
Kinabukasan, alas singko pa lang ng umaga, nakabihis na agad ako. Ginamit ko ang mga pinakabago kong damit at sapatos, na alam kong madudumihan lang mamaya dahil magco-commute kami, pero ayos lang.
I even wore my favorite perfume, Versace Dylan Blue, because I read somewhere that scent leaves a lasting impression on someone. Gusto kong kapag may naamoy siya na perfume na kagaya ng sa akin, ako pa rin ang maaalala niya.
Hindi muna ako lumabas kahit nakasukbit na rin sa balikat ko ang bag na dala. 7 AM pa ang alis namin kaya sinubukan kong palipasin ang oras sa pamamagitan ng paglilinis ng apartment.
"Who the fuck gets ready at 3 AM only to leave at 7?" punong-puno ng panghuhusga na sambit ni Primo sa phone call.
I ran a hand through my hair and licked my lower lip, trying to stifle a smirk. "Masyado ba akong halata?"
"Bobo. Hindi lang halata. You're a fucking mirror now, man. Kitang-kita ang pagkabaliw mo," may diin na sagot niya.
Mahina akong natawa dahil napagtanto kong may punto siya. "Damn..."
"Kulang na lang ikaw ang magbukas ng gate ng campus sa sobrang aga mo. Parang hindi ka na yata natulog," he kept rambling on.
Ngumisi ako, nakaisip na naman ng paraan upang mang-inis. "Anong 'parang'?"
I heard another sigh of disappointment on the other end of the line. Then he mumbled, "Tignan mo ang tang inang 'to..."
Sumabog ang halakhak ko sa narinig. Bago pa man niya paniwalaan ang sinabi ko, binawi ko na agad. "Tanga! Biro lang!"
"Panira ng umaga amputa. Bakit ba ako ang kinakausap mo nang ganitong oras? Si Sanjo ang tawagan mo!" reklamo niya.
"Hindi pa gising," kalmadong sagot ko.
"Kaya ako ang ginising mo? Gago!" huling sabi niya bago niya pinatay ang tawag.
Mas lalo akong natawa habang nakatingin sa screen. Nai-imagine ko ang mukha niya na nakalukot sa sobrang inis. Siguradong minumura pa rin niya ako hanggang ngayon kahit tapos na ang tawag.
Ito rin siguro ang dahilan kung bakit dumami ang mga kaibigan ko. Gustong-gusto kong kumausap ng mga tao kahit wala naman akong magandang sasabihin. Hindi nakukumpleto ang araw ko kapag walang napipikon sa akin.
Malapit na mag alas siete nang sumilip ako ulit sa labas. Hinayaan ko munang nakabukas lang nang kaunti ang pinto upang hindi halatang hinihintay ko siyang lumabas upang sabayan.
I stood by the door for a few minutes until I heard his door open. Agad akong tumayo nang tuwid, makailang beses na pinasadahan ng mga daliri ang buhok saka lumabas na para bang hindi ako naghintay nang ilang oras.
Lumingon ako sa direksyon niya na para bang wala akong kamalay-malay saka nagkunwaring nagulat. Humawak pa ako sa dibdib para makatotohanan.
"Uy! Nagkasabay na naman tayo! Ang galing!" nakangising sabi ko.
He kept locking his door like he didn't even hear me. Saka lang siya tumingin sa akin nang matapos iyong isara. Gaya ng palagi niyang ginagawa, dire-diretso siyang naglakad palabas nang hindi man lang ako binabati.
Sumunod ako sa kanya na parang aso na ilalakad ng amo niya sa labas. Malawak pa rin ang ngisi ko sa labi kahit hindi niya ako pinansin. Just being this close to him is a privilege. Sino ba ako para magreklamo pa?
"Anong oras uwi mo mamaya?" tanong ko sa kanya habang papunta kami sa waiting shed.
"Three," tipid na sagot niya.

BINABASA MO ANG
In Between Seasons (Sweater Weather Series #2)
Romanceysaac & haru bl story | on-going