Chapter 3

5.7K 230 151
                                    

Hindi ko maintindihan kung bakit ang daming galit sa Monday, kung puwede mo namang kamuhian ang isang buong linggo.

Imbis na magising sa ingay ng alarm ko, nagising ako sa amoy ng bawang na ginigisa. Ang sarap naman no'n.

Upang magising ang diwa, gumulong-gulong muna ako sa higaan ko. Nakakatamad namang bumangon. Lunes na pala at ang nakakabadtrip pa roon ay may pasok na ulit.

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nag-iinit lang ako ng spaghetti, tapos ngayon kailangan ko nang maghanda dahil balik eskwela na naman.

Pinilit kong bumangon sa higaan at inayos ang kama. Dahil kapag tumagal pa ako kakahilata ay baka makatulog ulit ako. Isa pa naman sa New Year's Resolutions ko ay hindi na ako papasok ng late.

Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin. Gano'n pa rin naman, walang nagbago. Wala pa ring nag-go-good morning baby. Pighati talaga.

Dumiretso ako sa kusina pagkalabas ng kwarto dahil doon nanggagaling ang masarap na amoy.

"Good morning," bati ni Red nang maabutan ko siyang nagluluto.

"Magandang umaga, 'tol." Balik kong bati sa kaniya. Pagtingin ko sa table may nakahain ng tipikal na pagkain para sa umagahan. Garlic fried rice, omelette, hot dog, at mixed veggies.

"Kain ka na, Greene. Do you want me to make you a coffee?"

"Hindi ako umiinon ng kape, 'tol. Pero salamat." Tipid kong sabi at ngumiti na lang.

Ewan ko ba, masarap naman sana ang kape. Kaso natatae kasi talaga ako everytime na makakainom ako.

Sa alak lang ata ako hindi natatae, eh.

Tahimik lang kaming kumakain ni Red nang maalala kong wala nga pala akong duplicate ng susi sa unit na 'to.

"Red, mga anong oras tapos ng klase mo?" Basag ko sa katahimikan. Umangat ang tingin niya sa akin.

"3 pm, why?"

"Isa lang pala ang susi na meron ako. Sa 'yo ko muna ibibigay 'yung susi dahil may 5 pm class pala akong schedule ngayon." Paliwanag ko sa kaniya. Tumayo ako at kinuha ang susi sa taas ng ref.

"Ikaw muna ang humawak," nilahad ko ang susi sa harapan niya.

"Hintayin na lang kita." Ani nito at tipid na ngumiti.

"Ha? Bungol ka ba, 'tol? Alas cinco pa nga ang uwi ko." Bilang isang college student na pagod na, isang malaking pribilehiyo ang makauwi nang maaga.

Tapos itong si Red na graduating student may oras pa para maghintay?!

"I heard you. But, I can wait. What's your program again?" Umiwas siya ng tingin at pilit na iniiba ang usapan.

"Mass comm." May diin kong sabi.

"Okay, I'll wait for you outside your room." Kibit balikat niyang anunsyo na akala mo hindi siya mag-aantay ng dalawang oras.

"Huwag na nga kasi, 'tol." Halos mag-ikot ang dalawang mata ko dahil ang hirap umintindi ni Red.

Sino ba namang gago ang gustong maghintay ng dalawang oras? Wala, si Red lang. Samantalang no'ng nakaraang araw lang, nasipa at naangasan ko siya dahil hindi kami magkakilala at trespassing siya. Tapos kung makaasta ngayon, akala mo buong buhay na kami magkakilala at gusto pang hintayin ako para sabay kaming umuwi.

"Nasa akin ba ang isang paa mo at 'di ka makauwi?" Nakasimangot kong tanong sa kanya.

Ngumisi ito at kagat labi na umiling.

"This is your house. Your own home, definitely your safe space. I think it's kind of disrespectful if I barge in without waiting for the owner, right?"

Home Smells Like You (Home #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon