Aiah's POV
Location : La Belle Vue
Pagdating ko sa restaurant, agad kong naramdaman ang eleganteng ambiance nito—dimmed lights, mahihinang classical music, at mga taong bihis na bihis. Hindi ko maiwasang humanga sa lugar. Napaka-sosyal at classy ng La Belle Vue.
Habang papalapit ako sa reserved table namin, natanaw ko agad si Caius. Nakasandal siya sa upuan niya, may hawak na baso ng alak habang nagbabasa ng kung ano sa tablet niya. Nang makita niya ako, agad siyang ngumiti,Hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin na paano kaya kung si Mikhael ang kasama ko ngayon? Pero agad kong inalis sa isip ko yun.
Enough, You're being ridiculous Aiah... saway ko sa sarili ko dahil alam kong malabo yun. Pilit nalang akong ngumiti sa pabalik. Mas gwapo talaga si Mikhael compared to her.
Tumayo siya para batiin ako. "Aiah," tawag niya sa akin, pormal pero may lambing. "You look stunning."
I forced myself to smile at her. "Thanks. As always, ikaw rin."
Hinila niya ang upuan ko, at nang makaupo ako, saka siya bumalik sa pwesto niya. "So, congratulations again. Ambassador ka na ng Prada," sabi niya, halatang masaya para sa akin.
"Thank you," sagot ko, medyo nahihiya pero masaya rin. "Kung hindi dahil sa'yo, hindi mangyayari 'to."
Umiling siya, parang sinasabi niyang hindi niya gusto ang narinig. "No. Ikaw ang dahilan kung bakit nandito ka. Your hard work, your talent—it's all you, Aiah. Ako? Nagbigay lang ako ng oportunidad na karapat-dapat sayo."
May kung anong init sa puso ko habang pinapakinggan ko siya. Totoo naman, nagtrabaho ako nang husto para makarating dito, pero ang suporta ni Caius ay isang bagay na hindi ko maitatanggi na hinihiling ko na sana ganun din si Mikhael sakin.
Habang nag-sasalita siya about sa Restaurant na 'to, hindi ko maiwasang hindi isipin si Mikhael at ang naging paguusap namin kanina sa condo.
***Flashback***
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko nang marinig ko yung tanong niya na yun. Dahil alam kong galit siya dahil sa naging desisyon ko, hinanda ko na ang sarili ko sa masasakit na salitang maririnig ko sa kanya.
"M-mikhael I—"
Sumenyas siya sakin na huwag akong magsalita kaya tumahimik nalang ako. Nakita kong dumiretso siya ng lakad papuntang couch at naupo dun. Ang mga mata niya ay dumako sa documents sa ibabaw ng coffee table. Nakita kong napailing siya at tinapik yung space sa tabi niya.
Kabado akong nag lakad papalapit sa kanya at naupo sa kabilang dulo ng couch. Nakita kong nag salubong ang kilay niya nang makitang malayo ako sa kanya kaya siya na mismo ang nag adjust, lumapit siya sakin kaya ngayon ay mas nararamdaman ko ang pintig ng puso ko.
Hindi ako makapagsalita dahil sa kaba nang walang sabi-sabi, binasag niya yung katahimikan.
"Aiah.." I heard her call me and as usual, her voice was cold. "Talagang gusto mong maging ambassador ng Prada?"

BINABASA MO ANG
Her Unwanted Marriage | MikhAiah
FanfictionAiah Arceta has always lived in the shadow of her perfect twin sister, Ara, who was their family's pride. On the day of Ara's wedding to the powerful CEO Mikhael Lim, Ara unexpectedly runs away, leaving their family in chaos. To save their reputatio...