Chapter 15

1K 51 19
                                    

Aiah's POV

Kinabukasan, hindi ko na hinayaan pang maapektuhan ako ng nangyari kagabi. Pagdating ko sa meeting ng Prada, tinutukan ko ang bawat detalye ng presentation nila. Pinag-usapan namin ang magiging campaign, ang schedule ng photoshoots, at ang perks na kasama sa pagiging ambassador. Alam kong malaking opportunity ito, at ayoko itong palampasin.

Nang ibinigay na sa akin ang kontrata, saglit akong tumigil at tumingin sa paligid. Malinis ang conference room, tahimik maliban sa tunog ng mga pages na ini-slide nila papunta sa akin. Kinuha ko ang pen at maingat na inilagay ang pirma ko sa bawat page ng documents.


"Congratulations, Miss Arceta," sabi ng director ng Prada, na nakangiti nang maigi habang iniabot sa akin ang kamay niya. Tumayo ako at tinanggap ang handshake niya, ngumingiti rin bilang pasasalamat.


Napatingin ako kay Caius na nakaupo sa kabilang dulo ng boardroom table. Nakangiti siya habang nakatitig sa akin, parang proud na proud. May kakaibang kislap sa mga mata niya na hindi ko maintindihan. Parang masaya siya, pero at the same time, parang may iniisip siyang iba.


"Aiah," sabi niya habang naglalakad papalapit sakin. "I told you this was a good decision." nakangiting sambit niya. Pansin ko habang tumatagal mas lalo lang siyang nagiging attractive sa paningin ko——Oo, ang attractive niya.

Tumango ako at bahagyang ngumiti. "Thank you. because you trusted me, if it wasn't for you I might not have been chosen as Prada's ambassador."

"Well," sagot niya, nakangiti pa rin, "I knew Prada would be lucky to have you. At least, ngayon, mas madalas na kitang makikita."

Natigilan ako sa sinabi niya, pero hindi ko pinahalata. Professional akong ngumiti at tumingin sa team na kausap ko. Ayokong bigyan ng malisya ang bawat salita niya, kahit pa alam kong may iba siyang iniisip.


"Let's focus on the project," sagot ko, pilit binabalewala ang lahat. Pero habang nagpapalit kami ng mga pleasantries at nag-aayos ng schedule, hindi ko maiwasang mapansin ang titig niya.



May gusto ba siyang iparating? O baka naman nag-iisip lang ako ng kung anu-ano?

Pagkatapos ng meeting, nagpalakpakan ang lahat at nagpasalamat sa bawat isa. Isa-isa silang naglabasan ng conference room, pero nanatili ako sandali para ayusin ang mga gamit ko. Naiwan din si Caius, na parang sinadya ang pagkakataon na kaming dalawa lang ang nasa loob.

"Impressive," sabi niya habang nakatayo sa tabi ng table, nakapamulsa, at nakatingin sa akin. "Hindi ka lang maganda, matalino ka rin pagdating sa negotiations. Prada made the right choice." papuri pa niya.

Ngumiti ako nang kaunti. "Thanks. Pero teamwork naman ito, at malaking tiwala ang binigay niyo sa akin."


"Still, you owned that room, Aiah," aniya, at mas lumapit pa. "Nakakabilib."

Inilagay ko ang huling papel sa bag ko at tumingin sa kanya. "Salamat, Caius. Pero mas mabuti sigurong unahin ko muna ang trabaho kaysa sa compliments, okay?"

Tumawa siya nang mahina, pero halata ang amusement sa mukha niya. "Fair point. Pero sana tanggapin mo pa rin ang dinner invitation ko bilang congratulations. Alam kong busy ka, pero just one dinner won't hurt.".

Napatigil ako. Ramdam ko ang sincerity niya, pero parang may bigat na kasama ang alok na iyon. Hindi ko alam kung ito ba ay para lang sa trabaho o may mas malalim pa siyang intensyon.


"Caius…" mahinang sambit ko, pero bago ko pa masabi ang susunod na sasabihin ko, naunahan niya ako.

"Huwag kang mag-alala," aniya, nakangiti pa rin pero may halong seryosong tono. "Strictly business. Ayoko namang masermonan ulit ng asawa mo, hindi ba?" aniya pa na binigyan diin ang word na "Asawa."

Her Unwanted Marriage  | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon