Chapter 14

585 44 11
                                    

A/N: Sorry for typos, wrong grammar and wrong sentence. I'm not really good at english so please understand my writing huhuhu🥺

You can add my facebook account kung gusto nyo akong landiin. Charr!!!!
F.A: Dane Manunulat

________

"What snack do you want, baby?" napalingon ako sa likod dahil sa nagsalita

It was Adira actually kanina pa sya nakatingin saakin medyo naiilang na nga ako e, hindi ko alam kung may dumi ba sa mukha ko ang panget ko bang tingnan kaya sya nakatitig sa'kin

Sinundo nya ako kaninang 7 sa bahay dahil ngayun daw kami gagawa ng project. She seems so happy earlier panay pa bulong ng kung ano hindi ko naman naiintindihan

I looked at the wall clock, it's already 9 in the morning "uhm kahit ano nalang"
Tumayo ito at kung anong dinutdot sa intercom mukhang tatawag sya ng maid para magdala ng snack. Bumalik ako sa ginaw, nag-iencode ako ng mga possible na solution sa isang business

Adira and I did some research earlier nagbasa rin kami ng libro since She had some different kind of book about business. Nasa loob kami ng office nya rito sa bahay nila, ngayun ko lang nalaman na parang mansyon pala ang bahay nila halatang-halata kung gaano karangya ang buhay nila

Parang gusto ko nalang tuloy hingin yung black card na ibinigay nya saakin nung nakaraan hehehe mabiro nga sya minsan

Naramdaman ko ang pag-upo nya sa tabi ko. Nakakailang na ang titig nya huh malapit ko ng isipin na sinadya nyang maging partner kami para lang makasama ko pero napaka assuming ko naman sa part na 'yon

"What's your ideal type Dion?" i looked at Adira beside me. Nakatukod ang siko nya nya sa mesa habang nakapatong roon ang mukha nya at mariing nakatitig saakin

"What do you mean?" malay ko ba kung anong klaseng ideal type ang sinasabi nya. May ideal type para sa bestfriend or partner diba?

"Relationship honey"

Relationship?

Napakamot ako sa pisngi ang random naman ng tanong nya

Ano nga ba?

"Siguro yung mabait" muntik na syang maduwal sa pagkakaupo sa sinabi ko kaya agad ko syang hinawakan sa braso at hinila

"Are you okay?" nag-aalala ko syang tiningan dahil para syang nalungkot sa sinabi ko

"Yeah what else?" masama ang loob na tanong nya

Bakit para syang galit na malungkot?

Kinamot ko ang ulo tsaka humalumbaba sa mesa "Siguro matangkad gusto ko kase yung matatangkad na tao, tapos mga 5 years or 3 years older than me" tumango-tango ako at lumingon sakanya

"You don't like a 1 year gap?" matalim ang tingin neto saakin na parang nagbabanta

Ano daw? 1 year gap?

"Bakit?" i absent minded asked

"I'm 22 and your 21" She pointed at me with serious face

Oh e, ano naman kung 22 sya?

Hindi ko gets

She sighed heavily when she notice my confused reaction. Padabog itong tumayo at galit na binuksan ang pinto dahil may kumatok roon

May problema ba?

Bakit sya galit?

"Leave"

Adira Leontios Obsession (Student × Student)Where stories live. Discover now