IAR [39]

69.1K 2.2K 729
                                    

Copyright © chiXnita

MALAPAD ANG ngiti ko habang pinapasadahan ng tingin ang kabuoan ng flower shop sa 'king harapan. "Sweet Scent's Flower Shop" ang nakasulat sa malaking signboard nito. Isa 'tong factory na pagmamay-ari ng pamilyang Roa na ngayon ay kabilang na sa pangalan ko mismo.

I decided to have a business and I thought about a flower shop. Nainspire talaga ako nang husto sa mga halaman sa bahay nina Brix.

Chocolate naman kasi ang pinakamain product ng company namin. Isa pa magkatabi lang ang dalawang palapag ng factory at ang building ng kompanya, na may dalawampu't tatlong palapag naman. Katabi rin ng main road at iilang malls, kaya maraming tao.

Gustong-gusto ko talagang magkaroon ng maipagmamalaki at dito ako magsisimula. I want to be successful without the help of my parents. Kaso kay daddy pa rin ako humiram ng puhanan, na babayaran ko naman, dahil wala kong ipon.

Kakaalis lang ng tatlong four-wheeler trucks na siyang nagdala ng mga iba't ibang klaseng bulaklak na galing pa sa Baguio at ang iba ay inimport sa ibang bansa.

Mahigit dalawang linggo ko ring inasikaso ang mga kailangang gawin; papales, paghanap ng suppliers at kung ano-ano pa.

Tinulungan ako ni Kuya Xyrus, kaya napadali, kahit na tutol ako. Ano pa ang silbi ng ayaw kong humingi ng tulong sa iba kung nandiyan siya? Kaso masyado talagang mapilit si kuya. Ang tigas ng ulo.

Mahigit dalawang linggo na rin kaming hindi nagkikita ni Grant matapos ng huling pag-uusap namin sa pub. Ni isang text o missed call mula sa kanya wala akong natanggap.

Nagpapakabusy ako sa pag-asikaso ng flower shop para libangin ang sarili. Wala naman akong balita sa kanya o kung ano nang pinagkakaabalahan niya.

Walang closure ang pag-uusap namin ng gabing iyon. Pagkatapos ng sinabi niya, agad akong tumakbo palabas ng pub. Hindi niya naman ako hinabol. Siguro ayaw niya lang o dahil nasaktan ko talaga siya.

Iyon ang unang beses na sinabihan niya ako ng I love you, na mahal niya ako. Pero... kasi, hindi pwede. Ba't ayaw kong maniwala? Kaya alam kong tama lang ang ginawa ko.

Ngayon, aminado ako, nagsisisi ako. Dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin siya.

Mahal ko talaga siya.

Hindi totoo ang sinabi niyang 'di ko siyang minahal simula umpisa.

Hindi naman gano'n kadaling burahin ang pagmamahal na iyon, na matapos lang ang iilang buwan ay mawawala na?

Kaso, hindi talaga kami maaari. Umpisa pa lang, hindi naman dapat talaga kami. Kasalanan ko kung ba't naging akin siya. Gayo'ng kay Xyrene naman dapat talaga siya.

Kinuha ko lang sa kanya.

Mahal nila ang isa't isa. Iyon ang totoo, umextra lang ako.

Ako 'yong kontrabida sa love story nila.

Kung hindi ko sana plinano ang pagsama kay ate sa tuktok ng bangin, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.

Ako ang nag-umpisa ng lahat, kaya ako rin ang tatapos.

Ngayon, sinasabi ni Grant na mahal niya ako. Ramdam ko ang sinseridad sa mga sinabi niya, sa kanyang mga mata, kaso hindi ko maiwasan ang magduda.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko, na may posibilidad na si Xyrene pa rin ang nakikita niya sa tuwing kasama ako. Malamang, kamukha ko si ate, hindi iyon imposibleng mangyari.

Saka hindi ko maiwasan ang hindi magduda... kelan pa niya ako natutunang mahalin?

Isa pa, kung talagang mahal niya ako, nasaan na siya ngayon?

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon