Mikha Lim
Location: Eiffel Tower | Le Jules Verne
Habang nakaupo kami sa table tuloy-tuloy pa rin ang daldal ni Sophia. Para bang hindi siya nauubusan ng kwento. Ako naman, tahimik lang at kunwaring abala sa pagtingin sa phone ko, pero ang totoo, gusto ko lang i-zone out lahat ng sinasabi niya.
"Mikha, are you even listening to me?" tanong niya bigla, habang sumisimsim ng wine.
Tumingin ako sa kanya, pilit na pinipigilan ang inis. "No.. sorry, what did you say again?"
Nagpakawala siya ng isang pilit na tawa. "You're so funny. Anyway, sinasabi ko lang na bagay talaga tayo bilang love team. I mean, look at us! Perfect chemistry!"
Halos mapataas ang kilay ko sa narinig ko, pero pinili kong huwag nang mag-react. Baka lalo pa siyang magyabang. "Sophia, kumain ka na lang," sagot ko, sabay baling ng tingin sa glass wall ng restaurant.
Pero hindi siya tumigil. "Alam mo, Mikha, kung wala kang asawa, I'm sure tayo ang ship ng lahat. Admit it, hindi lang on-screen chemistry ang meron tayo."
Bigla akong napairap sa sinabi niya. Masyado nang delulu 'to. Tama ba 'tong pinasok ko? Bakit ko ba tinanggap 'tong project na 'to kasama siya?
"Sa tingin mo ba, Mikha, ano ang tingin ni Aiah kapag napapanood niya tayo? Siguro selos na selos siya, no?" dagdag pa niya, sabay tawa.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tinignan ko siya ng diretso, at sa mas malamig siyang sinagot, "Sophia, tapusin na lang natin 'tong dinner na 'to nang maayos. Hindi ko gusto yung mga sinasabi mo nakakairita ka na."
Napanganga siya, halatang hindi inaasahan ang sagot ko. Pero sa halip na magalit, ngumiti lang siya at sinabing, "Relax, Mikha. I'm just joking. Pero admit it, ang cute ko, 'di ba?"
Hindi ko na siya sinagot. Tumayo na lang ako at sinabi, "Excuse me, lalabas lang ako sandali."
Habang nasa labas ako ng restaurant, tumingin ako sa paligid at pilit na nilalanghap ang malamig na hangin. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko sa buong araw na ito, at ang kakulitan pa ni Sophia ang nag papadagdag ng inis ko. Napatingin ako sa phone ko at naisipang i-check kung may message si Aiah.
Wala.
Pinatay ko ang screen ng phone ko at napailing. Hindi naman siguro siya nagtatampo, 'di ba?
Tinignan ko si Sophia sa loob, nakakairita talaga siya kahit na wala siyang ginagawa. Napapikit ako at huminga ng malalim bago bumalik sa restaurant.
Pagbalik ko sa table, mas abala na siya sa pagkain niya, pero nang makita niya ako, ngumiti siya ng parang walang nangyari. "Oh, akala ko iniwan mo na ako. Buti bumalik ka pa." she said sarcastically.
Hindi ko na siya pinansin. Umupo ako at ininom yung wine ko. Tahimik akong kumain, umaasang matapos na lang ang gabing ito nang walang dagdag na drama.
Pero, syempre, hindi papayag si Sophia na walang epal moment. "Alam mo, Mikha, kahit suplada ka minsan, mas bagay pa rin talaga tayo."
Napairap ako. Kung alam mo lang, Sophia, nasa kabilang bansa lang ang asawa ko, pero siya lang ang laman ng utak ko. Ikaw? Sorry, wala ka sa listahan.

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry