Chapter 25

462 8 0
                                        

Ber months na!

It's September already, almost two weeks after my debut. Second week this month is the schedule of our second grading examination. Kaya ngayong buong linggo ang inaasahan lang namin ay recap sa mga subjects namin, pero may ibang teacher pa rin na nag hahabol ng mga discussions. Lalo na at napuno na naman ng meeting ang mga nakalipas na linggo nila para sa darating na Intramurals ng school.

Tulad na lang ngayon, Lunes na Lunes wala na naman kaming guro dahil sa meeting nila. Sinabi na lang na gamitin ang oras namin para mag review. Pero sa tingin nyo ba susunod kami? Malamang hindi. Kaya ito nag kalat na naman ang mga upuan at kanya kanyang usapan na naman.

"Boss. Bibili kami, may papasabay ka?" Greg asked. He's with Toby and Oli.

"Wala. Busog pa ko."

Nandito ako sa tapat ng bintana habang pinapanood ang mga nag kalat na estudyante sa baba. Wala si Cloud at T may meeting din sa SSG office. Mag iisang oras na rin silang wala kaya sa tingin ko pabalik na rin yung mga yon.

Mag babawas nga muna ko ng tubig sa katawan at iba rin ang pakiramdam ko ngayon. Para kong magkakasakit na ewan.

"Saan ka pupunta Astra?" Brett asked.

Napaka attentive naman nitong mga kumag na 'to naglalaro kasi sila ng mobile games. "CR." Tipid na sagot ko.

"Pag bababa ka magpasama ka." Bilin nya ulit.

Tumango naman ako bilang sagot at nginitian sya. Simula kasi nung away namin nila Scarlett sa cafeteria ay hindi na ako hinahayaan na bumaba mag isa. Mainit daw kasi ulo sakin ni Scarlett at ni Sage. Ano naman pake ko diba? Pero para rin sa ikatatahimik nitong mga kumag sumusunod na lang din ako. Ayoko namang dahil sakin mapa away sila muka pa namang nag babagong buhay na sila. Simula kasi ng malipat ako rito hindi pa sila naga guidance samantalang ako nakakadalawa na, although it's really not my fault.

I have my monthly period. Kaya pala medyo masama ang pakiramdam ko. Nasa bag yung napkin ko. Buti na lang dala ko yung phone ko matatawagan ko yung mga kumag.

Si Greg na lang tatawagan ko baka pag sa gc ako tumawag mamura ko nung mga naglalaro.

"Bossing?"

"Nasa room kana?"

"Wala pa. Mahaba pila dito sa cafeteria. Bakit?" Naririnig ko nga yung ingay ng ibang estudyante.

"May papakuha ako sa bag ko eh. Nandito ako sa CR natin." Tatawag na lang siguro ko sa ibang kumag.

"Nandon na sa room sila Pres."

Matapos namin mag usap, si Cloud naman tinawagan ko sana sumagot.

"Coleen?"

Hindi talaga uso hello dito laging pangalan ko agad bungad. "Nasa room kana?"

"Yes. Why? You need something? Nasa CR ka daw sabi nila." Nakapag report na sila sa pinaka boss nila.

"I need napkin. Meron sa bag ko, padala dito." Wala ng hiya hiya.

Narinig ko naman ang pag tayo nya at pag bukas ng zipper. "which pouch?"

"The beige one." I replied.

Seconds passed. "I'm coming."

"Thank you Eli."

Ilang segundo lang naman hinintay ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto nitong CR. Okay lang naman pumasok si Cloud kasi nasa cubicle naman ako hindi nya ako makikita.

"Lusot mo na lang dito sa ilalim Eli." Walang salita naman syang sumunod.

Matapos ko gawin ang dapat gawin ay lumabas na rin ako. Alam kong nandito pa sa loob si Cloud hindi ko naman kasi narinig na lumabas sya.

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now