Huminga ako nang malalim pagkatapos kong matawagan si Ate Lynne at nilingon ang lalaking magiging roommate ko.
Unti-unti ko na ring tinatanggap na magkakaroon na talaga ako ng kasama sa unit. Awa na lang talaga na sana ay magkasundo kami.
"Red ba talaga ang pangalan mo?" Kuryosong tanong ko sa kanya.
Iyon kasi ang narinig kong tawag ni Ate Lynne sa kanya kanina. Bigla siyang tumayo at nilahad ang kanang kamay sa akin.
"Valentino Redrick Nati, pare." Pakilala niya sa mababang boses.
Inabot ko ang kamay niya at nagpakilala rin. "Greene Archangel Arcillas, 'tol."
"Edi paskong-pasko pala kapag nagsama tayo." Biro ko.
Nang marinig ang biro ko ay humalakhak siya kaya mas lalong nawala ang mga mata nito. Hala ang cute.
Kapansin-pansin din ang canine teeth niya na bumabagay sa kabuuan ng kanyang mukha. Grabe ka, Lord. Kaya mo pa lang gumawa ng pogi hindi mo pa ako sinama.
Tapos kapag sa mga sungki, mukhang bampira. Pambihira.
"Pasensiya ka na pala at nasipa kita. Masakit pa rin ba?" Nahihiyang tanong ko. Alam kong masakit iyon, obvious naman. Pero nakokonsensiya pa rin ako kasi baka mamaya pala balak niyang bumuo ng isang dosenang anak.
"Malayo sa bituka pero malapit mabaog." Napangiwi ako sa sinabi niya. Kung hindi pa siya tumawa ulit ay baka sineryoso ko na ang biro.
"Hala, ba't ka namumutla? Joke lang 'yon, Greene!" Siraulo 'to. May nakulong na ba dahil nakasipa ng betlog? Kasi kung wala, baka ako ang buena mano.
"Sure ka? Hindi masakit?" Paninigurado ko. "Swear, hindi na talaga." He gently smiled and tapped my shoulder to reassure me that I should stop worrying about it.
He is too nice... that it scares me. Madalas pa naman sa serial movie na napapanood ko, kung sino pa iyong mga villain sila pa 'yung mababait. Hindi niya naman siguro ako ilalagay sa drum at pagkatapos ay isesemento.
Kasi sa totoo lang, kung sa iba ito nangyari baka kanina pa lang ay nagbubugbugan na kami. But when I look at him, he radiates nothing but gentleness. Maybe, I should give him a benefit of the doubt.
Sa palagay ko naman walang magiging problema kung magsasama kami sa iisang bubong. Mukha naman siyang 'di madaling magalit o kaya'y mapikon. Lalo pa't ang hilig ko pa naman mang-asar minsan. Kapag nararamdaman kong pikon na sa'kin, mas lalo ko pang kinukupal.
Nagkuwentuhan lang kami ni Red. Sharing something about ourselves. Graduating student na pala siya sa kursong Sikolohiya. Kababalik niya lang din from vacation galing Japan. Dahil doon daw nagcelebrate ng holidays ang family niya.
Kahit siya ay hindi rin inaasahan na lilipat ng ibang unit. Buti na lang daw bago siya umalis ng Pilipinas ay nakausap niya si Ate Lynne. Iyon nga lang ay nagkaroon ng miscommunication na naayos din namin ngayon.
Hindi namin napansin ni Red na mag-a-alas nuebe na pala kung hindi pa tumunog ang tiyan ko. Hindi pa pala kami nakapag-umagahan. Tinawanan niya lang ako at tumayo para pumunta sa kusina.
Kamalas-malasan lang dahil wala pala akong stocks ng groceries.
"Red, sa labas na lang tayo magbreakfast." Aya ko.

BINABASA MO ANG
Home Smells Like You (Home #1)
Romance(Home Series #1) The moment Greene Archangel Arcillas woke up one morning with someone who was hugging him from the back, that's when he knew home was not just a place but a feeling you built with someone.