"Pa'no ka nakapasok sa unit ko?" Maangas kong tanong sa lalaking estranghero.
Sigurado akong lalaki siya. Sa bigat ba naman ng brasong nakayapos sa akin kanina.
"At ang tigas naman ata ng mukha mong humiga sa kama ko." I hissed.
I waited for a response but I heard nothing.
Kakasimula pa lang ng taon, sinusubok na agad ang pasensiya ko.
Lumapit ako sa kabilang gilid ng kama kung saan siya nahulog no'ng sinipa ko. I saw a human figure who's fully covered by the comforter. Nasama yata sa pagsipa ko.
I harshly removed the thick blanket and saw a man.
He's wearing nothing on top. And I can't fathom the looks on his face right now. But he sounds hurt.
"Aray ko po... ang junior ko." He mumbled.
I can't see his face since his back was facing at me. But one thing is for sure, he's writhing in pain because he's holding his crotch.
Hindi ko naman alam na alaga niya pala iyong nasipa ko. I was baffled. Hindi ako sanay na may tumatabi sa'kin sa kama.
"Ginawa mo namang soccer ball 'yung betlog ko." He whined, still sounding in pain. He finally stood up and faced me this time.
Nasa magkabilang gilid kami ng kama, salungat sa isat' isa, ngunit alam ko sa sarili ko na kaya niya akong upakan kung gugustuhin niya. He's towering over me. Tall people never intimidate me, but standing with someone who's feet away taller than me is another thing.
Siguro no'ng bata siya 'di siya pinapayagan ng magulang niyang maglaro hangga't 'di nakakatulog sa tanghali.
O pwede rin namang imbis na cerelac ang ipakain, margarin 'yung pinalaklak sa kanya.
5'8 lang ang tangkad ko. Average height kung itatabi sa mga six footer. At saka, 'di rin naman gano'n katangkaran ang magulang ko para magdemand pa ako na maging matangkad. But this man, he's a giant.
Siguro nasa 6'2 siya kasi hanggang tenga niya lang ako.
Nakatopless nga pala siya kaya kitang-kita ko kung paano magflex ang mga muscles niya kapag gumagalaw. Maganda ang hubog ng kanyang katawan. Halatang may gym membership. He looks buff but not ripped enough para magmukhang WWE wrestler.
Siguro kung nakikita 'to ngayon ni Ate Vi malamang magsasabi 'yon ng laki niyan kuya ah, nangheheadlock ba 'yan.
Edi wow! Siya na may magandang body built. Compared to mine, my body is more on lean type. Slender and toned but my muscles are on the right places.
"Ba't ka ba kasi nandito sa unit ko?" Naiinis kong tanong sa kanya.
"I thought Ate Lynne already informed him that I'm moving here." Bulong niya sa sarili na miski siya ay nalilito na rin. Tumingin ito sa akin. "Sabi ni Ate Lynne nasabihan ka na raw niya na may lilipat sa unit na 'to." He explained.
Si Ate Lynne 'yung agent na nakakausap namin na nag-aasikaso 'pag may concern kami sa residence or sa mismong unit namin.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Wala akong maalala na nasabihan ako.
Pumunta ako sa bedside table upang kunin ang cellphone ko kung saan naroon din nakatayo ang trespasser. I dialed Ate Lynne's phone number. Ilang saglit lamang ito nagring at mayamaya'y may sumagot na. I put it on a loudspeaker.
"Good morning, Ate Lynne. May trespasser dito sa unit ko. Ang sabi niya nainform mo raw ako." Pagsusumbong ko.
"Good morning, Greene! Nakabalik ka na ng Manila? Sa'n pasalubong ko? Nabilhan mo ba ako ng banana chips?" Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Ate Lynne sa bilis niyang magsalita.
"Oo, Ate, nasa bag. Pero bakit muna may trespasser sa unit ko?"
Napansin na ata ni Ate Lynne ang inis ko kaya tumahimik siya saglit.
"Nasabihan kita, Greene, bago ka bumyahe pabalik ng probinsiya." Paliwanang nito. "Nag-okay ka pa nga sa'kin no'n eh nung papasakay ka na ng Grab."
Ito ata 'yung time na tinanghali ako ng gising tapos ang byahe ko pauwi ng probinsiya ay pasado alas dies ng gabi. Halos 'di na ako magkandaugaga no'n mahabol lang ang bus ticket na nabook ko pauwi. Hindi ko naman alam na may sinabi pala siyang may lilipat sa unit ko. Ang narinig ko lang kasi ay gusto niyang pasalubungan ko siya ng delicacies from Mindoro kaya nag-okay ako.
"E, Ate 'di ko naman narinig 'yung sinabi mong may lilipat," maktol ko. "Kaya lang naman ako nag-okay kasi may gusto kang ipabili sa'kin." Dugtong ko pa.
Sinilip ko ang katabi ko na nakaupo na ngayon sa kama at may suot ng damit.
"Ihhh kaso Greene, nasabihan ko na siya. Nakapagdown na rin." Malumanay ngunit nagsusumamong pahayag ni Ate Lynne.
Alam niya kasing ayoko ng may kasama sa unit. Kaya nga mas pinili kong i-pursue ang college sa Manila kasi gusto kong maranasan maging independent. 'Yung malayo sa aruga ng magulang. Tapos babalik na lang ako rito na may makakasama na?
"Alam mo naman, Ate, na ayokong may kasama 'di ba?" I can see on my peripheral vision how his eyes shifted on me when he heard what I said.
"Oo alam ko naman 'yon, Greene. Pero pansamantala lang naman ito. Under maintenance pa kasi 'yung paglilipatang unit ni Red. Payag ka na, ha. Please."
Bumuntong hininga ako.
"Mabait naman 'yan si Red! Promise! 'Tsaka all around 'yan. Masipag maglinis, marunong sa gawaing bahay, at marunong magluto. Malay mo ipagluto ka pa. Hindi ba't madalas puro fastfood ka lang? At least ngayong may kasama ka na, makakakain ka na ng lutong bahay." Hindi maitatanggi sa boses ni Ate Lynne na inuuto niya lang ako para mapapayag sa set-up na 'to.
"Isa pa..." She paused. "Hindi lang siya basta masarap magluto kasi kahit siya mismo ay masarap din." Biglang banat nito at sinabayan pa ng nakakalokong tawa.
"Kalma 'nak nakaloudspeaker ka."
I heard someone chuckled beside me.
"Ay!" Gulat na sigaw ni Ate Lynne. "Pero okay naman na sa'yo, Greene, 'di ba?" She asked again to confirm my decision.
Ano pa bang magagawa ko, eh nandito na. As if namang may choice pa ako.
"Okay." I said before I ended the call.
[ X ]
notgreen🔒@archangel_ • 9 mins ago
maraming sumubok na utuin ako pero lahat sila nagtagumpay

BINABASA MO ANG
Home Smells Like You (Home #1)
Romance(Home Series #1) The moment Greene Archangel Arcillas woke up one morning with someone who was hugging him from the back, that's when he knew home was not just a place but a feeling you built with someone.