Aiah Arceta
Pagkatapos kong ibaba ang tawag kay Mikha, napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa phone screen. Talaga ba, Mikha Lim? Bakit parang ang chill mo lang habang ako, eto, kumukulo na sa selos?
Inilapag ko ang phone sa center table at sinubukang mag-focus sa itinerary na nasa harap ko. Pero kahit anong pilit ko, hindi mawala sa isip ko yung boses ni Sophia sa background. Paano ba naman kasi, parang ang saya pa nilang dalawa. At ako? Wala akong magawa kundi magkunwaring okay lang habang nilalamon ako ng selos dito sa Milan.
May paselos-selos ka pang nalalaman diyan! Bwiset ka!
"Aiah, are you okay?" tanong ni Manager nakakapasok lang sa suite ko, halatang napansin niya agad ang pagkawala ko sa focus.
"Yes, I'm fine," sagot ko, pilit na ngumiti. Kailangan kong itago ang nararamdaman ko, lalo na't alam kong trabaho ang dapat kong asikasuhin ngayon. Pero ang totoo, parang gusto kong sumakay ng tren papuntang Paris para lang malaman kung anong nangyayari doon.
Sinubukan kong bumalik sa ginagawa ko, pero hindi ko mapigilan ang isipin kung ano na kaya ang ginagawa ni Mikha. Kumakain na ba sila? Magkasama pa rin ba sila ni Sophia? Hay, Aiah, tama na. Baka nga iniisip ka rin niya ngayon.
Napatingin ako sa phone ko na nasa center table. Gustong-gusto ko siyang tawagan ulit, pero naisip kong baka busy siya sa shooting. Hindi ko rin naman kayang magmukhang needy. Pero hindi rin maalis sa isip ko yung sinabi ni Sophia na parang sobrang close nila ni Mikha.
Napapikit ako sandali, sinubukang kalmahin ang sarili. Trabaho muna, Aiah. Hindi ka pumunta dito para mag-overthink. May oras para sa tampo, pero hindi ngayon.
Pagdilat ko, kinuha ko ang itinerary at pilit na tinutok ang mata ko sa schedule ng events ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maalis ang kaba at selos sa puso ko. Mikha, sana lang alam mong iniisip kita kahit ang layo natin sa isa't isa.
Hindi ko maiwasang hindi mapasimangot at mag-isip ng kung anu-ano habang hinihintay yung glam team namin. Ilang minutes lang din ang lumipas, dumating na sila at agad akong tinawag para maayusan.
Habang nasa harapan ako ng vanity mirror at inaayusan ng glam team para sa night event. Hindi 'to kasing big deal ng gala dinner, pero kailangan pa rin ng elegance sa overall look ko. Focus, Aiah. Trabaho muna, hindi tungkol kay Mikha o sa selos mo.
"Miss Arceta, we're thinking of going for a sleek look tonight. It's more modern and fresh," sabi ng hairstylist habang sinisiyasat ang buhok ko.
"Sure, whatever works," sagot ko nang mahina, habang nakatingin sa reflection ko. Sa totoo lang, wala ako sa mood makipag-usap, pero alam kong kailangan kong mag-cooperate.
Habang inaayusan ako, naririnig ko ang usapan ng glam team tungkol sa event. May mga kilalang personalities na dadalo, pati mga designers at models na gusto daw akong makausap. Great, another round of networking and fake smiles, naisip ko. Pero kailangan kong magpakaprofessional, lalo na't parte ito ng trabaho ko.
"Miss Arceta, are you okay? You seem a little distracted," tanong ng makeup artist na kasalukuyang naglalagay ng eyeshadow sa akin.
"Yeah, I'm fine. Just a bit tired, I guess," sagot ko, pilit na ngumiti. Pero ang totoo, hindi pagod ang dahilan kung bakit distracted ako—si Mikha pa rin ang iniisip ko.

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry