Sa isang malaking private resort gaganapin ang debut ko. Dito nag book si Papa para after the event ay makapag enjoy pa ang mga bisita at dito na rin kami matutulog lahat. Sa event hall ng resort gaganapin ang program. The after party will be held later at the pool area.
Nandito na sa resort ang glam team ko, the photographers and videographer. Pati ang catering and stylist teams ay nandito na rin. Sabay sabay naman kaming dumating nila Dad at Papa sinabay na rin namin ang mga kasambahay namin. Sila Kuya ay susunod after class. One hour drive lang naman ito mula sa lugar namin at six pm pa ang start ng program kaya makakahabol sila.
"You look so gorgeous! Perfect!" Tuwang tuwa si Sir Mike sa ayos nya sakin. Sya ang naka assigned sa aking hair and make up, he's gay but he still preferred to be called Sir.
It's already five in the afternoon, one hour before the program starts. No one's allows to enter my room even my family. Gusto ko kasi na sa mismong event hall na nila makita ang final look ko. I'm wearing a blue halter ball gown and a messy bun hair.
"Good evening everyone! May we have your attention please? We are about to begin the program in 5 minutes so please find your seats and make yourselves comfortable as we all enjoy the rest of the night. Thank you."
Nandito na ako ngayon sa harap ng main entrance. I'm nervous my knees are turning into jelly. Wag naman sanang madapa ako, nakakahiya talaga.
"A very good evening to each and every one and welcome to Astra Coleen's 18th Birthday. My name is Mica Castro and I will be your host for tonight. We would like to thank everyone for gracing this very momentous occasion because as they say, you only get to be 18 once. Some of you who are here must have witnessed her grow over the years into the wonderful person she is now." The emcee starts her opening spiels.
Ang coordinator naman na nasa tabi ko ay pinag rerelax ako halata sigurong kinakabahan ako. Rinig mula dito sa labas ang ganap sa loob, we already said our prayers, napakilala na ang pamilya ko at na play na ang pre debut video ko na sabay kinuhanan nung pre debut photoshoot.
"Tonight is a celebration of adulthood and a thanksgiving of the life God has given to our lovely celebrant. Let us put our hands together, as we welcome the main highlight of this celebration, and as she stepped into a higher level of life. Ladies and gentlemen, may I ask everyone to stand as we all welcome our lovely debutant Ms. Astra Coleen Andrada!"
Pigilan mo ang self, bawal muna umiyak maaga pa.
Habang naglalakad sa gitna ay hindi ko mapigilan ilibot ang aking tingin sa venue, nababalutan ng blue and gold color ang buong venue. Isa sa kinatakot ko sa napili kong color motif ay baka dumilim ang event hall pero buti na lang magagaling talaga ang stylist na kinuha nila Dad at Papa kaya maaliwalas pa rin tignan ang buong paligid. Nasunod din ang kagustuhan ko na walang masyadong bulaklak sa stage and sa aisle bukod sa hindi naman ako ikakasal, gusto ko na makita ang mga bisita ko.
Speaking of bisita I saw some of our house helpers and drivers. Syempre nandito rin ang mga kumag, sila Shine at Luna. I also invited Greg's Mom, Cloud and Adam's parents. Kung sino pa lang ang na meet ko na parents ng mga kumag yun lang ang inimbita ko, naiintindihan naman nila yon. As per Greg's Mom nasabi kasi ni Greg na gusto akong makilala ng Mommy nya puro ako daw kasi ang kinukwento nya, sana lang matino ang mga kwento nito tungkol sakin. Kaya ngayon ko na naisipan na imbitahin si Tita.
I smiled seeing all of them here. Nandito lahat ng taong pinahahalagahan ko. Sa sobrang pihikan ko sa kikilalanin itong mga taong ito lang ang pinili kong bigyan ng tiwala.
