"Tara mga 'tol sunod kayo sa 'kin may conceal ako," sabi ko sa mga kalaro ko sa mobile legends habang binabalak na gumawa ng play. Gamit ko si Tigreal, tank hero sa larong ML.
Hindi ko na mabilang kung nakailang laro na kami simula pa kagabi ng alas nuebe. Pagkatapos ng hapunan, nag-aya ang isa sa mga ka-blockmate ko na magfive man daw kami.
Ang sabi last game na raw pero hayop na 'yan, mag-aala siete na ng umaga in game pa rin ang mga gago.
"Tingin 'tol, set ako!"
Naka-on mic kami kaya kahit papano ay madali na lang ang communication sa laro.
Pagkatapos ng conceal, pinindot ko ang 3rd skill ni Tigreal para makapag-ultimate. . .sa hangin.
"Asar!" Natatawang pahayag ko habang minumura ako ng mga kakampi ko.
"Okay na 'tol, naasar na sila. Endable na 'to." Pigil ko pa ring tawa habang pinipilit na i-end ang laro dahil bukod sa gigil na ako madagdagan ang star ko, kailangan ko na ring matulog at baka maabutan pa ako ni Mama sa balkonahe na gising pa rin.
"Lala mo, Greene. Ikaw talaga 'yung dark system sa ML, eh." Pikon pero natatawang sambit ni Genesis, jungler namin.
Kita mo nga naman, 'di lang kalaban 'yung naasar. Pati kakampi.
"'Ge mga 'tol, GGs." Paalam ko bago umalis sa lobby.
Tiningnan ko muna ang history ng laro ko. Naks, naka MVP pa kay Tigreal. I took a screenshot then uploaded it on my IG story with a caption 'Itabi mo, Renejay, ako na'. Nilagyan ko na rin ng background music na trending sa Tiktok para maangas. Ano nga ulit title n'on? Ah ayon, Mind Games.
Mapapa-baby there's another side that you don't know ka talaga 'pag ikaw 'yung dark system sa mga kakampi mo. Langyang 'yan sa mahigit sampung laro namin, isang star lang nadagdag tapos lugi pa.
Buti nakapag-MVP sa last game kahit puro bronze ako sa previous matches. Sabi kasing mage user ako, pinagtank ba naman. Batak pa naman ako mag Nana.
Alas kwatro y media ng hapon na ata ako nagising nang may maramdaman akong may mabigat na nakapasan sa bandang tiyan ko.
"Kuya Greene, gising gising. . ." A small hand was poking my cheek to wake me up.
Nakalimutan ko na naman yatang ilock ang pinto kaninang umaga bago ako pumasok sa kwarto ko. May bubwit na nakapuslit at iniistorbo ang tulog ko.
"Kuya, wake up. Let's play roblox." Walang duda. Ipad kid coded 'to. Ito 'yung mga klase ng bata na masarap ayain ng 1v1 eh tapos dudurugin mo hanggang sa umiyak. O kaya 'yung bigla mo na lang huhugutin 'yung saksakan ng wifi tapos bigla silang magtatantrums kasi walang internet connection.
I slowly opened my eyes to adjust my vision to the sun rays coming through the window. Natulog ng may araw, nagising pa ring may araw pa.
Hindi ko mapigilang 'di mag-unat ng dalawang kamay. Akalain mo 'yon kahit inumaga na ako kakalaro ng mobile games pero masarap pa rin tulog ko. I scratched the itchy part of my back while looking at the little boy who's staring at me with amused look.
"Blu. . ." banggit ko sa pangalan.
"Kuya, laro tayo roblox." Pangungulit ni Blu sa'kin habang hinihila ako patayo.
"Kakain pa si Kuya, Blu."
Pagkabangon sa kama, dumiretso agad ako sa kusina namin.
"Ma, ano'ng ulam?" Pasigaw kong tanong dahil parang ako at si Blu lang ata ang nandito sa bahay. Ang tahimik naman.
Kapag gan'tong katatapos lang magcelebrate ng New Year, usually bumibisita 'yung mga kamag-anak namin sa bahay, eh. Himala ata at walang pumunta sa kanila.

BINABASA MO ANG
Home Smells Like You
Romance(Home Series #1) The moment Greene Archangel Arcillas woke up one morning with someone who was hugging him from the back, that's when he knew home was not just a place but a feeling you built with someone.