Chapter 23

485 6 0
                                        

My birthday is fast approaching. Sa darating na Biyernes na, sa ngayon tapos na ko sa mga preparasyon para sa sarili ko photoshoot, even the gown. Sa Friday ang birthday ko pero nag decide ako na Sabado sya i-celebrate ayoko kasi ng after school magagahol yung mga imbitado sa pag aayos. Ayoko rin naman na lumiban sila sa klase para lang sa debut ko. Sila Kuya naman na may pasok sa sabado ay hanggang two pm lang ang klase kaya hindi naman sila mahihirapan sa pag aayos. Nagpa reserve na lang rin si Daddy para sa intimate dinner namin sa Friday gusto nya pa rin daw kasi na makapag celebrate kami sa mismong araw ng kaarawan ko.

"Tara lunch na tayo." yaya ni Saint sa amin.

"Gutom na gutom kana ba Mr. Cortez?" tanong ng substitute teacher namin na nag liligpit pa lang ng mga gamit nya sa harapan. Wala kasi ang Filipino teacher namin ng isang linggo kaya may ipinalit na bagong hired na teacher. Bata pa sya sa tingin ko ay nasa bente singko pa lang siguro.

Kamot ulo naman si Saint. Nang makaalis naman yung guro ay nag make face sya. Siraulo talaga.

"Lunch time na eh. Malamang gutom na gutom na. Ikaw ba naman mag overtime sa pagtuturo eh." Yamot na sabi ni Saint.

"Lagkit nga tumingin kay Isaiah pre." ani Ryker sa tabi ko.

Kung tutuusin overtime na talaga sya ng limang minuto. Napansin rin pala ni Ryker na iba ang tingin nung teacher na yon kay Isaiah. Dahil nga sa nasa gilid at tabi ng bintana si Isaiah madalas doon rin naka pwesto yung teacher kanina habang nagdidiscuss. Syempre dapat nasa gitna sya ng makita sya ng lahat. Kaso mukhang natamaan kay Isaiah.

"Ang pogi mo talaga pre. Iba alindog mo!" Natatawang sigaw ni MM na sinundan din ng tawa ng ibang kumag.

Natatawa na lang si Isaiah sa pang aasar nila sa kanya. Mukhang hindi rin naman sya naaapektuhan doon sa mga galaw ng teacher kanina. Hindi ko rin kasi napansin na pinag aksyahan nya ng panahon tignan o sulyapan yung guro buong durasyon ng pagtuturo nito.

"iihi lang muna ako. Susunod ako sa table natin." Nandito na kami sa loob ng cafeteria ng makaramdam ako.

"Bakit hindi ka pa umihi don sa taas bago bumaba boss?" tanong nitong si PJ.

"Kasi hindi pa ko naiihi nung nasa taas tayo?" Taas kilay na balik tanong ko sa kanya.

"Oh! ang kilay pumapantay na naman sa hairline mo. Nagtatanong lang eh." Depensa ni PJ.

Natatawang binatukan sya ni Adam "Bobo ka talaga PJ yun yung gustong sabihin ni boss."

Hinawakan ako sa braso ni Cloud "Come."

"Huh?"

"Sasamahan kita." ani Cloud.

"Hindi na Eli. Ayun lang naman yung CR."

"Tangina pre! Ibang klase mainlove to si President. Parang gusto ko na lang din sya jowain." ani MM.

"Ay hindi walang sasama. Malaki..." tinignan pa ko ni Aiden simula ulo hanggang paa. "...ay hindi malaki. Matanda na pala yan kaya na nya yan."

Gago to ah. Namemersonal.

Pinukol ko sya ng masamang tingin. Nagtago naman agad yung kumag sa likod ni Cloud. Akala ko di titigil eh. Sasamain talaga sakin to.

Inakbayan naman ni August si Cloud at inaya na papunta sa table. Wala naman syang nagawa sumunod na rin. Hindi talaga sya tatantanan ng asar nitong mga ito pag nagpumilit sya.

"Bagay nga talaga sya sa section 4."

"Akala mo nga kung sino maka asta. Kapit kung kapit kay Cloud."

"Hindi lang kamo kay Cloud pati na ron kay Trevor."

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now