Jeepney
Buong maghapon yata akong nakatambay lang sa account niya kahit lahat ng posts doon ay natignan ko na. Maging ang dalawang highlights collection niya na tungkol sa mga kaibigan at kurso niya lang, nabisita ko na rin.
His account looks peaceful. Kaso minsan lang yata siya mag-online. Mukha rin namang hindi siya babad sa internet at social media. Parang lagi yatang libro ang kaharap niya.
Malayong-malayo sa akin na makita pa lang ang account, pansin agad na babad sa pagi-scroll. I'm chronically online, which is why I know every meme my friends share in the group chat.
Idagdag pang marami akong kaibigan, hindi lang sa campus kundi pati na rin sa ibang school. Madalas ay sa chat ko na lang din nakakausap dahil hindi naman kami nagkikita araw-araw.
"Uwi ko na rin 'to? Akin na lang lahat ng shanghai ah," tanong ni Sanjo, na nagsisimula nang magbalot kahit hindi pa ako sumasagot.
I scoffed. "Uwi mo na rin pati container. Nahiya ka pa."
Lumawak ang ngisi sa labi niya, hindi yata napansin ang sarkastikong tono sa pananalita ko. "Okay. Bait mo naman."
Sinamaan ko siya ng tingin ngunit wala nang nagawa nang ilagay na niya lahat sa container ang mga naibalot na shanghai. Sa dami noon, pwede na yatang isang buwang supply ng ulam. Hindi man lang naisipan magtira kahit tatlong piraso.
"Una na kami, dude. Salamat sa ulam!" paalam ni Ives bago sila sumakay sa sasakyan ni Primo.
I leaned against the doorframe and watched the car leave. The silence that followed was so refreshing it felt like I'd just come back from a war. Ganoon sila kaingay. Sa araw-araw na kasama ko sila, nakakapagtaka na hindi pa ako bingi at hindi pa naglalagas ang buhok ko sa inis.
Nakakapagtaka rin dahil may kani-kaniyang sasakyan naman sila, pero gusto laging sa iisang sasakyan sumakay. They freaking own luxury cars too, yet they still act like they don't have a single peso to spare. Takot na takot gamitin ang mga black card para sa gas, kahit alam kong barya lang naman sa kanila 'yon. Kaya nga inuutangan ko, eh.
Sa sumunod na araw, nagtungo ako sa gym na malapit sa apartment. Walking-distance lang naman kaya hindi na kailangan mag-commute. Kailangan ko na i-kondisyon ulit ang katawan ko dahil papalapit na naman ulit ang competition season. I'll probably get tan again once training starts, especially if we're outdoors a lot.
I wore a black tank top paired with black shorts. Ganito talaga ang mas gusto kong suot lalo na kapag nagwo-workout dahil pinagpapawisan ako nang matindi. Nagdala na rin ako ng pamalit at sariling tubig.
I was in the middle of doing my preacher curls when I heard my phone ringing through my earbuds. Agad ko iyong sinagot, at bumungad sa akin ang boses ni Stavros. Sa ingay pa lang sa kabilang linya, siguradong nasa talyer siya.
"Your car is ready for pick-up. Na-check at naayos na raw. Gusto mo bang dalhin ko na lang d'yan sa'yo?" bungad niya.
Napaisip ako roon. Kapag nabalik na ang sasakyan ko, hindi na ako magco-commute. Hindi naman sasabay sa akin si Haru kahit mag-alok ako sa kanya na ihahatid ko siya. Mas lalo lang liliit ang posibilidad na maging magkaibigan kami kung mas madalang na kaming magkikita.
Wala naman akong pakialam kung magbayad ako ng pamasahe sa bawat araw na may pasok. Ililibre ko pa siya, basta sabay kami.
"Huwag muna. Diyan muna sa'yo. Kung gusto mo, gamitin mo na rin muna," sagot ko nang walang pag-aalinlangan.
Natigilan siya, tila napaisip sa sinabi ko. "Huh?"
"Wala ako sa mood mag-drive. Gamitin mo muna. Pero ikaw na bahala magpa-gasolina," sambit ko.

BINABASA MO ANG
In Between Seasons (Sweater Weather Series #2)
Romanceysaac & haru bl story | on-going