Lovely Pov
Napabangon ako dahil sa sigawan sa baba.
Hayy always ata ganito, babangon sa umaga ang almusal ay sigawan at iyakan.
Kinuha ko naman ang cellphone ko at kaagad binuksan ang bluetooth speaker i connect my cellphone to speaker and open my music app.
Mas mabuti pang mag pa music para hindi ko marinig ang sigawan nila.
Napatingin ako sa wall clock, it's 5am in the morning and my first day of class. I stood up and went to my bathroom.
Naligo ako dahil 6:30am ang umpisa ng class ko buti nalang at malapit lang dito ang university na pinapasukan ko pwede kong lakarin mga 15 minutes lang naman kaya exercise narin sakin yun.
Btw i'm lovely montes 19 year's old 1st year college i studying Bachelor of Science in Business Administration.
Tinapos ko na ang pagliligo ko at lumabas kaagad sa cr, nadatnan ko si nanay che na inaayos ang kama ko.
"Nay!!!" Napalingon naman ito at ngumiti sakin.
"Good morning alaga kong maganda." Bati niya sakin lumapit naman ito at hinaplos ang pisngi ko.
I was about to speak. "Mag bihis kana iha dinalhan kita ng breakfast mo dito." Nakangiting sabi niya tumango ako at pumunta sa closet ko tsaka kumuha ng damit at bumalik sa cr.
She know i have to question her about what i heard sa baba kanina pero mukang ayaw niya akong masaktan kaya pinutol niya ang sasabihin ko.
She's my nanny since i was a kid, tinuri ko siyang totoong magulang siya lang ang karamay ko kapag pinapagalitan ni daddy o kaya may activities ako sa school na kailangan ng magulang.
My parents are always busy and i'm only child. They always said na subrang swerte ko dahil may pera kami at kompleto pero hindi nila alam kapag nasa bahay na.
Napailing nalang ako dahil sa iniisip ko.
Paglabas ko ay wala na si nanay che nakita kong nakahanda na ang almusal ko, umupo nalang ako at nag umpisa ng kumain.
Napabuntung hininga nalang ako walang araw na hindi sila nag-aaway. Wala na nga silang time sakin dahil sa trabaho tapos ganon pa yung maririnig mo dito sa bahay.
I grab my bag napahinto ako saglit sa salamin para tignan ang mukha ko, payat tsaka may malaking eye glasses.
I'm not a nerd sadyang malabo lang talaga ang mata ko kaya need kong mag suot ng ganito.
Inayos ko muna ang sarili ko tsaka lumabas ng kwarto.
I sighed because i saw my mother crying in stairs. I walked and stop at her side napatingin naman ito sakin nagpunas kaagad ito ng luha tsaka tumayo.
Masakit sakin na makitang ganito si mommy hindi ako nagpakita ng kong anong emosyon sakanya.
"A-anak aalis kana ba?"
"Yeah!!" I said coldly she looked shock.
Akmang aalis nako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"Let's have a dinner mamaya anak."
"Baka gabihin ako." Maikling sagot ko hindi siya kumibo at binitawan niya ang kamay ko.
"Okay lang!! Baka next time nalang nak!! Ingat ka sa school goodluck mommy love's you so much." Malambing na sabi niya tumango lang ako at dali-daling umalis.
Tumingala ako para pigilan ang luha, kong kanina ko pa pinipigilan.
Wala ang driver namin ngayon baka sumama kay daddy, maaga kasi siyang umaalis workaholic kasi same sila ni mommy.
Naglakad nalang ako maaga pa naman.
Kinuha ko naman ang earphone ko tsaka sinuot habang naglalakad ako ay nakikinig ako ng music this is my therapy kapag stress or hindi kaya pinapagalitan ako.
Ilang minuto ay nakarating din ako sa university na papasukan ko.
Arch University not bad muka namang maganda tong papasukan ko.
Malaki at malawak naman siya sana ay wala akong makaka-away dito.
Inayos ko ang eye glasses ko at naglakad na papasok. I open my cellphone and scan my first subject.
3rd floor room 301 nag-umpisa nakong maghanap. Namangha ako dahil may elevator dito naks yayamanin.
Akmang papasok nako sa elevator ng may babaeng humarang sakin. Kaagad kong inalis ang earphone ko.
Tinignan ko naman ang babae ang ganda niya maputi matangos ang ilong at maganda ang hubog ng katawan and ehem her boobs are big.
Naka formal attire siya and her aura are cool to and her almond eyes na walang ka emosyonal.
"Student are not allowed to use the elevator." Strict and her cold voice natakot naman ako sakanya kaya dali-dali akong umalis at pumunta nalang sa may hagdanan.
Jusko sana hindi kami magkasalubong ulit nakakatakot.
Hingal na hingal akong nakarating sa 3rd floor hayop subrang layo pala ng room namin.
Kinuha ko sa bulsa ko ang panyo ko at pinunasan ang pawis ko, inayos ko rin ang eye glasses ko dahil tabingi.
Sinilip ko naman ang room and maingay sympre need talagang makipag salamuha sa iba para may cof ka.
My phone suddenly beep. I sighed kaagad ko namang binuksan ang cellphone ko.
Aries:
Baks wer ar u?Me:
I'm here outside in our room.Aries:
Ow wait me nalang okay bye love lots baks.Hindi nako nag-abala pang replyan. Hihintayin ko nalang talaga siguro siya dahil nahihiya akong pumasok.
Aries lagman my childhood bestfriend, same course kami kakauwi lang nila galing ibang bansa dahil pinagamot nila si tito dahil na stroke ito and need ng therapy.
Hindi niya alam ang nangyari sakin dito dahil ayaw kong ipagsabi kahit kanino ang problema ko and baka mag-alala lang siya ang oa pa naman non.
Habang nag mumuni ako may biglang sumigaw.
"Bakss!!!" Tumingin ako sa nagtawag sakin tumakbo ito at dinamba ako ng yakap. "I miss you."
"Hindi kita na miss layo ka nga." Iritang sabi ko tumawa lang ito at hinalikan ako sa pisngi yes ang clingy niya.
"This is not a club stop flirting." Napatingin ako sa nagsalita, nanlomo ako dahil siya na naman.
Bakit ganito ang tadhana?
Ayaw ko na sanang makita siya pero ito siya sa harap namin nakatingin ng masama.
Napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan si Aries naman ay mahinang tumatawa.
Nakakahiya ang landi kasi ng kaibigan ko.
Nagulat ako ng bigla siyang pumasok sa classroom namin at akmang isasarado niya ang pintuan kaagad akong tumakbo at hinarang ang kamay ko.
"Ma'am sorry po." Nakahinga ako ng maluwag ng binuksan niya ang pintuan nakatingin lang samin ang mga kaklase ko.
"You're two late!! At dahil first day of class i consider nalang." Her strictly said hinatak ko naman si Aries. Wala siyang imik natakot ata.
"Sorry po ulit." Sabi ko at naghanap nako ng mauupuan namin, buti nalang may bakante pa at swerte ko naman dahil tapat lang ng bintana.
_____________________
Good evening❤️

BINABASA MO ANG
Dry your tears (Intersex) [On-Going]
Short StoryLovely Montes a 19 year's old 1st year college student simple lang naman ang gustong makita ang maging okay na ang magulang niya. When suddenly changed her life because of her professor Zenerlie Arch Lacoste a 26 year's old, cold and strict professo...