Chapter 22

450 5 0
                                        

"What's happening here?"

Pagpasok pa lang ni Kuya Blaze rito sa guidance office yun na agad ang bungad nya. He's scary right now I looked behind him to see if Kuya Blake is there, but none. Baka may pasok si Kuya ng maaga. Hindi rin nakasuot ng uniform si Kuya baka iniwan muna sa sasakyan nya.

"And you are?" The guidance officer asked.

"Blaze Wang, Astra's brother."

"Mr. Wang please seat beside Astra."

Agad naman umupo si Kuya sa tabi ko. Masama ang tingin nya sa mga lalaki at babae na nasa harapan namin. Katabi ko naman si Dianne at ang Nanay nya sa gilid nya.

"Now we're all here. Dianne explain what happened earlier..."

Nag umpisa mag kwento si Dianne kahit yung mga unang beses na ginawa nila ito sa kanya. She's a scholar ang mga amo ng Nanay nya ang nagpasok sa kanya rito. Isang kasambahay ang Nanay nya. Dahil sa kagustuhan na kumita ng pangdagdag baon nya nagpapa comission sya ng school works, ngayong school year lang naman nag umpisa. Bawal iyon at alam nya rin naman pero sinubukan nya pa rin sa pag aakalang magbabayad itong mga bobo na nasa harap nya ginawa nya ang mga school works nito. Kaso walang bayaran na nangyari hanggang sa pinagawa lang sya ng pinagawa. Ito na rin pala ang pangalawang beses na sinaktan sya ng mga ito. Dahil din sa bawal nga ang ginagawa nya hindi nya nakuhang mag sumbong, iyon din kasi ang pinang blackmail nitong mga bobo na ito sa kanya.

"You know that school works commissions are strictly prohibited, right Cortez?" Umiiyak na tumango naman si Dianne.

"How about you Andrada? Paano ka nasali rito sa gulong ito?" The guidance officer looked at me.

Nag kwento rin ako kung ano ang naabutan ko pati ang pag hila nitong Dave sa buhok ko. Buong detalye sinabi ko pati ang pag sapak ko sa kanya. Sa totoo lang wala akong kaba na nararamdaman ngayon dahil na rin siguro sa kaalaman na tinulungan ko lang si Dianne.

"I'm so disappointed to all of you. You are graduating students." sabi ni Mrs. Fuentabella. Yun pala surname nya ngayon ko lang nabasa nasa table nya.

Nakatingin sya sa mga bobong nasa harapan namin habang sinasabi iyon. Walang kibo naman sila habang naka yuko. Ayan tayo eh, ang tatapang nyo kanina ngayon nagsi tiklop kayo. Kahit ang mga guardian nila tahimik rin.

"Two weeks suspension sa inyong anim. Pagbalik nyo rito after that suspension, community service for another 1 month."

Agad naman ang react yung anim pati ang mga guardian nito.

"How about her? What's her punishment? She punched Dave. Nagdugo ang ilong ng anak ko at pati na ang labi." Tinuro ako nung Nanay ni Dave na akala mo rarampa rin sa Miss Gay putok na putok ang blush on.

I looked at Dave and smirks at him. Deserved!

Handa naman ako sa magiging punishment ko. Sanay naman na ako sa suspension. Suspension means pahinga sa bahay. Netflix and chill.

"Are you even listening earlier? What my sister did is clearly self defense. Nauna ang anak mo manakit kung hindi nanakit yang anak mo malamang hindi dudugo ang ilong at labi nyan." Seryosong pagtatanggol sakin ni Kuya.

Mukha namang nagulat yung Nanay ni Dave dahil sa sagot ni Kuya. Wala eh, ganyan talaga si Kuya minsan may respeto, madalas wala.

May CCTV rin pala na nakatago sa isa sa mga puno doon. Agad rin pala ni request yung copy ng CCTV kaya hawak at napanood na ngayon ni Mrs. Fuentabella. Hindi ko nga alam bakit pinakwento pa samin yung detalye may kopya naman na pala sila ng CCTV.

"Mr. Wang is right. Kahit anong ikot ang gawin natin kasalanan lahat ninyong anim. You may now go Andrada and Mr. Wang. Maiwan kayong pito may mga kailangan pa kayong pirmahan."

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now