Chapter 21

465 7 0
                                        

"Sino yung mga yon bakla? Ang popogi. Teka nga..." Kinapa kapa nya pa yung hips nya. "Baka nalaglag na yung panty ko."

Naiiling na lang ako sa mga sinasabi nitong si Shine. Kanina pa yan habang paakyat kami wala ng tigil ang bibig.

"Kaklase ko sila. Di ba nasabi ko na sa inyo ako lang mag isang babae sa section namin." I went to the kitchen to offer them something to drink. "Juice? Water?"

"A water will do be." Luna said.

Naka upo na si Luna sa sofa habang ito namang isa akala mo nasilihan ang pang upo hindi matahimik sa isang pwesto. Shine's keep looking around my condo, this is their first time to came here.

"Ang popogi nung mga yon buti kinakaya mo araw araw." Finally she sat down beside me.

Luna has this playful smile. "Mas pogi kesa kay Blaze?"

Ow! Yes, Shine likes Kuya Blaze so much. Ang presensya lang ni Kuya Blaze ang nakakapagpa tahimik dito sa babaeng to. Pagkaharap niya si Kuya talagang nagiging ibang tao sya. Nagiging demure, classy.

"Syempre walang tatalo sa aking bebeloves."

"Isusumbong kita kay Kuya. Sasabihin ko nakita mo lang mga kaklase ko pinagpalit mo na sya." Akma kong kukunin yung phone ko ng pigilan nya ang kamay ko.

"Hoy! Teka! Napaka panget ng mga kaklase mo. Ano ba namang mga mukha yon?"

Luna and I laughed. Napaka bilis nya magbago ng desisyon parang kanina kulang na lang mag hugis puso yung mata nya sa mga kumag.

I just ordered for our snacks hindi pa kasi ako nag grocery. May stocks naman sa ref kaso nakakatamad magluto, meryenda lang din naman ang kakainin namin.

"Hindi na kita tatanungin kung kumusta ang bagong school mo. Mukhang enjoy ka naman." Luna has this playful smirk again. "Lumalabas ka pa nga with them."

I rolled my eyes "don't be jealous Luna. Hindi bagay sayo."

"Yak! I'm not jealous, no."

"Pero saan nga kayo galing?" Ito na nag uumpisa na ulit si Shine.

Nag kwento ako sa kanila kung anong naging ganap namin kahapon simula umaga hanggang sa overnight. Hindi pa nga sila makapaniwala na sumama ako sa overnight. Wala kasi akong social life nung nasa previous school ako. Lumalabas naman ako kasama silang dalawa pero pinaka matagal na ang tatlong oras sa mall. Minsan sa condo nila pero pag may nagyaya na gala na may kasamang iba hindi ako talaga sumasama.

"Explain the forehead kiss then." Luna with her smirk again.

"Alam mo yang ngisi mo sarap burahin." I sneered.

"Wala! Wag mag change topic. Bakit may pa forehead kiss yung isa? Anong pangalan non?"

Kanina kasi bago umalis yung mga kumag humalik sa noo ko si Cloud. He just said goodbye, yun na kasi yung nakasanayan namin tuwing maghihiwalay na o uuwi. Eh nagkataon walang pinipili talaga lugar o walang paki talaga si Cloud kung sino makakita kaya anytime, anywhere ginagawa nya basta maghihiwalay na kami ng uwi.

"That's Cloud, our class President. Just a friendly gesture, okay?"

"Friendly gesture? Oh! Don't me. Bakit yung ibang boys hindi ka naman hinalikan?" ani Luna.

"Tangina! Dalaga na sya Buwan. Lumalandi na!" ngisi naman ni Shine.

Inilingan ko na sila sakto din na dumating na yung order ko kaya pinagbuksan ko ng pinto. Save by the bell ika nga.

We just hang out here at my condo. Movie marathon with a lot of foods and drinks, chikahan at asaran. Isa ito sa mga parehas na gusto naming tatlo ang tumambay sa mga condo namin. Minsan gumagala naman kami sa mga malls or kung saan pero napaka bihira non. Madalas nasa mga condo lang talaga kami, naninira ng buhay ng iba ganon.

A Rose Among the ThornsWhere stories live. Discover now