Chapter 12

1.1K 45 7
                                    

AIAH'S POV

Maaga akong nagising nang wala sa plano. Wala akong photoshoot ngayong araw, kaya naisipan kong gamitin ang oras para mag-jogging sa park malapit sa bahay. Nakasuot ako ng simpleng sports bra, leggings, at running shoes, at habang tumatakbo, pilit kong tinatanggal sa isip ang gulo sa buhay ko nitong mga nakaraang araw.


Habang abala ako sa pagtakbo at pakikinig ng musika, bigla kong napansin ang pamilyar na mukha sa daan. Si Johann. Nakasuot siya ng dark green dry-fit shirt at black running shorts. May hawak siyang maliit na bote ng tubig, at kitang-kita sa kanyang postura na sanay siyang mag-jogging.




Ngumiti siya nang makita ako. "Good morning, Aiah," bati niya, bahagyang huminto para hintayin ako.





Nagulat ako pero ngumiti rin bilang tugon. "Oh, Johann. Good morning. Nag-j'jogging ka rin pala dito?"



"Oo, malapit lang dito ang bahay ko. Nice to see you here," sagot niya habang sumabay sa pagtakbo ko.






Tahimik lang kami sa unang ilang minuto, pareho lang nakatuon sa pace ng pagtakbo. Pero hindi ko mapigilang mapansin na iba ang pakiramdam ng presensya niya. Hindi tulad ng iba, hindi siya mabigat kasama. Parang ang gaan lang ng paligid kapag nariyan siya.






"You jog here often?" tanong niya bigla, binasag ang katahimikan.







"Not really," sagot ko, bahagyang bumagal ang takbo. "Usually busy sa work, pero kapag may free time, I try to run. It helps me clear my head."






Tumango siya, parang naiintindihan niya agad. "Makes sense. It's a good way to unwind. Pero mukhang may bumabagabag sayo, huh?"



Napatingin ako sa kanya, nagulat sa tanong niya. Hindi ko inaasahang mababasa niya ako nang ganun kabilis.



"Halata ba?" tanong ko, pilit na ngumiti para itago ang bigat sa loob ko.



Ngumiti siya pabalik. "Not too obvious, but I have a knack for reading people. Besides, everyone has their bad days. You don't have to talk about it if you don't want to."





Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong magaan sa paraan niya ng pakikipag-usap. Parang kahit hindi ko sabihin ang lahat, naiintindihan niya. "Thanks," mahina kong sagot.




Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo, at kahit walang masyadong usapan, ramdam ko ang pagiging comfortable ko sa kanya. Nakakapagtaka, pero sa kanya, parang hindi ko kailangang magpanggap.





"You're fast, ha," biro niya matapos ang ilang minuto, hingal na ng konti pero may ngiti sa mukha. "Pero kaya pa kita sabayan."






Natawa ako, isang genuine na tawa na matagal ko nang hindi nararamdaman. "Talaga ba? Hindi ko nga napansin, eh."





Nagsimula kaming magbiruan habang tumatakbo, at unti-unting bumalik ang pakiramdam na kahit papaano, may pahinga pa rin sa gitna ng gulo ng buhay ko.



Habang nag-jogging kami ni Johann, ramdam ko ang unti-unting paggaan ng pakiramdam ko. Parang saglit kong nakalimutan ang bigat ng mga problema ko habang magaan lang kaming nagkukulitan at nag-uusap. Tahimik ang paligid ng park, tanging ang tunog ng mga yabag at hininga naming dalawa ang maririnig.



Bigla, sa isang intersection ng jogging path, napansin kong may pamilyar na pigura na papalapit sa amin. Si Gideon. Naka-light gray na tank top siya at black running shorts. Mukhang tapos na siyang mag-jogging dahil pawis na pawis siya, hawak ang isang towel habang pinupunasan ang noo niya. May suot din siyang wristwatch na parang napakamahal. Katulad ng kay Mikhael at Caius and of course papahuli ba si Johann.




Her Unwanted Marriage  | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon