Chapter 11

1K 50 1
                                    

AIAH'S POV.


Pagdating namin sa bahay, tahimik si Mikhael habang nagmamaneho papasok sa driveway. The tension in the car was suffocating, and I didn't dare say anything. She maneuvered her car smoothly, parking in her usual spot like it was just another ordinary day. Pero para sa akin, walang kahit anong ordinaryo sa araw na 'to.


Nang mapatay na niya ang makina, hindi pa rin siya kumibo. Tumigil siya sandali, hinawakan ang manibela nang mahigpit, as if trying to rein in whatever emotion was threatening to surface.






I stayed frozen in my seat, unsure of what to do. Should I step out on my own or wait for her? Hindi ko alam kung bakit parang may bigat sa hangin, pero ramdam ko na—parang may mangyayari na ayoko.



Then she moved. Tahimik siyang bumaba ng kotse, closing the door behind her with a soft thud. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako na hindi ito nagbabalangkas ng galit niya o matatakot ako sa katahimikan niya.






Mula sa bintana, nakita kong naglakad siya papunta sa gilid ng kotse. Her movements were deliberate, almost calculated, as if every step was a choice. Nang makarating siya sa passenger side, binuksan niya ang pinto. Tumayo siya roon, hawak ang pinto, walang sinasabi, naghihintay.





I looked at her, uncertain. She didn't meet my eyes. Her gaze was fixed somewhere ahead, her jaw clenched, and her posture screamed of control—cold, ruthless control. Wala akong ibang nagawa kundi sumunod. Tahimik akong bumaba ng kotse, halos hindi makatingin sa kanya.






Pagbaba ko, kinuha niya ang pinto at isinara ito nang hindi man lang tumingin sa akin. Napapikit ako sa tunog ng pagsara—parang sumasalamin sa bigat ng relasyon namin, isang bagay na hindi ko kayang takasan.








Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong napatigil sa paglalakad, pero siya, nagpatuloy papunta sa pinto ng bahay. Para bang sigurado siya na susunod ako kahit wala siyang sabihin. And she was right—I followed, because what else could I do?



Pagpasok namin sa bahay, tahimik lang si Mikhael. Hindi niya ako tiningnan o kinausap. Diretso siyang naglakad papunta sa living room at tumayo sa harap ng coffee table, tinanggal ang suit jacket niya, at marahang ipinatong iyon sa gilid ng sofa. Ako naman, naiwan akong nakatayo malapit sa pintuan, parang hindi ko alam kung dapat ba akong pumasok nang tuluyan o bumalik na lang sa labas.




"Maupo ka," malamig niyang sabi, hindi man lang tumingin sa akin. Hindi ito tanong o pakiusap—utos ito, at sa tono pa lang niya, alam kong hindi niya ako bibigyan ng pagkakataong tumanggi.






Dahan-dahan akong lumapit sa sofa at umupo, ramdam ko ang tensyon sa paligid. Hindi siya gumagalaw, nanatili siyang nakatayo, nakatalikod sa akin, mga kamay niya nasa bulsa ng slacks niya. Parang iniipon niya ang lahat ng lakas para pigilan ang galit niya, pero ramdam kong hindi iyon magtatagal.







"Mikhael..." mahina kong tawag, kahit alam kong baka mas magalit lang siya.





Napatingin siya sa akin, at sa unang pagkakataon mula nang sunduin niya ako kanina, nagtagpo ang mga mata namin. Malamig ang tingin niya, pero sa ilalim ng lahat ng iyon, parang may kung anong bagay na hindi ko maipaliwanag—galit ba iyon? Sakit?






"Bakit ka sumama kay Caius?" diretsong tanong niya, malamig at puno ng diin.






Napalunok ako. "Hinatid lang niya ako—"






"Hinatid? Hindi mo naisip na tawagan ako? Na ako dapat ang gumagawa niyan bilang asawa mo?"






"Asawa?" Tumawa ako nang mapait, kahit na alam kong hindi iyon makakatulong sa sitwasyon. "Replacement lang ako, Mikhael."






Her Unwanted Marriage  | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon