Chapter 32

1K 19 1
                                    

Mikha Lim.




Nakahiga ako sa kama ng hotel suite habang nakatingin sa phone. Naka-stream sa isang app ang gala dinner ng luxury brand kung saan invited si Aiah. Nang magsimula siyang magsalita, napako ang mga mata ko sa screen.




Ang ganda niya. Hindi ko maiwasang huminga nang malalim habang pinapanood siya. Ang poise niya, ang bawat salita niyang sinasabi-para bang kayang paikutin ni Aiah ang mundo ng kahit sino sa isang tingin at ngiti.





Napangiti ako ng bahagya. Asawa ko 'yan.





Pero kasabay ng ngiti ko, may kurot ding naramdaman sa dibdib ko. Naalala ko bigla ang lahat ng pinagdaanan namin-ang away, tampuhan, at pati na rin ang mga masasayang alaala. Kaya kahit hindi kami magkasama ngayon, kahit na magkaibang bansa pa kami, proud pa rin ako sa kanya.





Nilingon ko ang oras sa bedside table. Mag-a-alas diyes na dito sa Paris, pero hindi ako makatulog. Kahit na sobrang pagod ako mula sa filming kanina, hindi ko kayang ipikit ang mga mata habang hindi ko pa siya natatawagan.







Pagkatapos ng speech niya, kinuha ko ang phone at nag-chat agad.





09:36 P.M.
> "Congrats sa speech mo. Napanood ko online."

Agad siyang nag-reply.


09:37 P.M. Aiah
> "Thanks. Akala ko busy ka sa filming."




Napangiti ako habang nagta-type ng sagot.


09:38 P.M.
> "Nasa suite ako. Sige na, bumalik ka na sa pagiging sosyal mo diyan."




Simple lang ang sagot ko, pero alam kong maghihintay siya ng susunod kong message. Gano'n naman siya-ayaw niyang ipakita pero gusto niyang lagi akong nagpa-follow up.





Huminga ako nang malalim, bumalik sa video ng speech niya, at pinanood ulit. Paulit-ulit. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang narinig ang boses niya sa screen. Aiah, ang layo mo, pero parang andito ka rin sa tabi ko. Sana matapos na agad 'tong project ko para makabalik na ako sayo.




Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, nag-dial ako ng video call. Pero hindi ko tinuloy. Inayos ko ang unan ko at pumikit. Kahit papaano, sapat na sa akin na makita siyang masaya sa ginagawa niya. Bukas na lang ulit, Aiah.





FF | In the next day





Kinabukasan, balik trabaho na naman. Pagdating ko sa set, ramdam ko na agad ang init ng ulo ko. Hindi dahil sa maaga kaming nagsimula o sa bagong eksena na kailangan naming gawin, kundi dahil kay Sophia. Wala pa man siyang sinasabi, nakakairita na agad.



Pagdating niya sa set, kita ko ang usual niyang ngiti-yung tipong akala mo lahat ng tao gusto siyang makita. Lumapit siya sa akin habang mini'me-makeup pa ako, at may dala na naman siyang coffee.




"Good morning, Mikha," sabi niya sabay lapag ng coffee sa table ko. "Binili ko 'to for you. I thought you'd need it for the long day ahead."




Tinignan ko lang siya, hindi ko man lang sinagot. Pero sa loob-loob ko, gusto ko nang sabihin, Pwede ba, huwag kang epal? Hindi ko na lang siya pinansin at nag-focus sa script ko.



Pero syempre, hindi siya tumigil. Naupo siya sa upuang nasa tapat ko at nagpatuloy sa pangungulit.
"Ang sungit mo na naman, Mikha. Alam mo, bagay sayo yung naka-smile. Gusto mo ako na lang magpatawa sayo?"


Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon