Chapter 31

890 26 1
                                    

Jhoanna Robles





Nakapangalumbaba na lang ako habang nakatitig sa phone ko, parang sinisisi yung screen sa kawalan ng updates sa GC namin. Sa gilid ko, si Sheena, abala kuno sa pag-ikot ng yelo sa baso niya pero mukhang wala rin sa wisyo ang ginagawa.

"Jho, anong oras na ba? Wala pa rin talagang update?" tanong niya na may halong inis.


"Wala, eh," sagot ko habang malalim na bumuntong-hininga. "Feeling ko nagti-trip na naman yung mga yun. Siguro nag-eenjoy na sila dun habang tayo parang tanga rito." himutok ko rin.

"Teka," sabat niya, sabay taas ng kilay. "Sigurado ka bang hindi ikaw yung nagti-trip? Baka naman may sinasabi sila, tapos ikaw ang hindi nagbabasa?" akusa niya sakin. Napairap ako, my god! Bakit ba naiwan sakin ang isa sa mga diablo? Mukha lang 'tong anghel pero deep inside tropa 'to ni Lucifer.



"Excuse me, Sheena," sagot ko, sabay pakita ng phone ko sa mukha niya. "Active ako, okay? Pero sila ang walang reply. Sino ngayon ang tripper?"

Napailing siya. "Ewan ko sa'yo, Jho. Pero kinakabahan na talaga ako sa plano ng mga 'to. Lalo na si Stacey, parang magnet ng gulo."


Napatingin ako sa kanya at sineryoso ang sinabi niya. "Si Maloi kaya? Tapos si Colet, eh parang siya pa ang leader ng mga kalokohan."

Natatawa si Sheena kahit halata pa rin ang pag-aalala. "Pustahan, ikaw unang tatawag kung wala pa ring balita mamaya."

"Huy, ano ako, concerned citizen? Hindi, Sheena. Ikaw ang mauna," biro ko pero medyo totoo rin.

Tahimik kami bigla, at ang awkward na katahimikan ay naputol nang marinig ko ang mahinang ding mula sa phone niya. Biglang sumigaw si Sheena, "Ayan na! Update galing kay Stacey!"



Pareho kaming nag aabang sa screen niya. At nung nakita namin yung message, sabay kaming napa-facepalm.


04:37 P.M. Stacey
> "Sheena, safe naman kami dito sa Paris. Don't worry about us. Chill ka lang diyan."



"Tangina nila," sabay naming sabi. Sabay ding iling. Napahiga na lang ako sa sofa nang biglang may naisip si Sheena. Syempre babangka 'to. Bida-bida to eh.






"Tara na, Jho! Mall tayo!"





"Pass," sagot ko agad, hindi man lang nag-abala na tumingin sa kanya. "Wala akong energy para d'yan."


"Excuse me? Ayoko ng excuses!" sabay hatak niya sa braso ko. "Ang tagal na nating tambay dito sa condo mo. Lumabas naman tayo!"


"Hindi ko naman choice na mag-tambay dito, kasalanan yun ng mga tropa natin na walang matinong update!" reklamo ko habang pilit na inaabot yung throw pillow para ipantakip sa mukha ko, pero hinatak niya yung pillow at hinatak ako papatayo.

"Kaya nga lalabas tayo para mag-unwind, 'di ba? Ayoko naman magmuk-mok." sagot niya sabay akbay pa sa akin na parang utang na loob ko pa ang gala.


Pinilit niya talaga ako-as in literal na hinatak ako palabas ng pinto. Wala na akong choice kundi bumigay. Kaya ngayon, eto na kami sa kotse, ako ang nagmamaneho habang si Sheena ay abala sa pag-scroll sa phone niya.

"Tsss, pala desisyon ka talaga," kunwari iritado kong sabi, pero natatawa rin ako sa loob.



"Eh, kung ako pa magmaneho, baka abutin tayo ng tatlong oras bago makarating sa mall," sabi niya nang walang pakialam.



"Ambisyosa mo. Anong akala mo sakin? Driver mo?" kontra ko, kahit ako na rin itong nag d'drive.




"Whatever, Jho. Basta ikaw na rin magbayad ng parking," sabay tawa niya na parang siya ang panalo sa argumento.



Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon