AIAH'S POV
Kinabukasan, nasa studio ako para sa isang panibagong photoshoot. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maitama ang expression ko sa harap ng camera. Tahimik lang ako, halos wala sa sarili. Ang bigat ng nararamdaman ko mula kagabi ay hindi ko magawang tanggalin. Parang may kung anong bumabalot sa pagkatao ko—isang mapait na alaalang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.
"Aiah, focus ka naman," mahinahong sabi ni Mama Jovy mula sa gilid. Naramdaman ko ang pag-aalala sa boses niya, pero hindi ko magawang sumagot. Tumango lang ako bilang sagot, kahit alam kong wala naman akong maibibigay na sapat na effort sa mga sandaling ito.
"Alright, let's take a five-minute break," sabi ng photographer habang pinapahid ang pawis sa noo. Kita ko ang pagkadismaya sa mga staff, pero ni hindi ko magawang humingi ng tawad. Ni hindi ko maipakita na gusto ko pang subukan.
Umupo ako sa isang sulok, tinakpan ang mukha ko ng mga kamay. Tahimik lang ang paligid, pero sa loob ng utak ko, ang daming boses. Ang mga sinabi ni Mikhael kagabi ay parang sirang plaka na paulit-ulit na tumutugtog.
"Did she fuck you? Ano masarap ba?!Ganyan ka ba kalandi?"
"Nakakahiya ka, Aiah."
"Walang wala ka kay Ara."
Napapikit ako nang mahigpit. Pilit kong kinakalma ang sarili ko, pero hindi ko magawang makatakas sa paulit-ulit na sakit. Ano bang mali sa akin? Bakit parang kahit anong gawin ko, hindi sapat?
Narinig ko ang tunog ng mga yabag papalapit sa akin. Si Mama Jovy, lumuhod sa tabi ko. Hinawakan niya ang balikat ko nang mahigpit pero maingat. "Aiah,... ano bang nangyayari sa'yo?" tanong niya, puno ng pag-aalala.
Umiling ako, hindi kayang magsalita. Ayokong sabihin. Ayokong ipakita kung gaano ako kahina. Pero kahit hindi ko sabihin, alam kong nahahalata niya.
"Kung may pinagdadaanan ka, sabihin mo. Hindi mo kailangang dalhin lahat ng iyan mag-isa," bulong niya, pero imbes na gumaan ang pakiramdam ko, lalo lang akong nakaramdam ng lungkot.
I shook my head again, forcing a smile na alam kong hindi naman totoo. "Okay lang ako, Mama Jovy. Promise," sabi ko, pero halata sa boses ko na parang hindi ko na kayang paniwalain ang sarili ko.
Napailing siya, pero hindi na nagpilit. "Bumangon ka, Aiah. Hindi para sa kanila, kundi para sa sarili mo. Ikaw 'to, Aiah. Huwag mong hayaan na mawasak ka nila," sabi niya bago tumayo at iniwan akong nakaupo.
Habang pinapakinggan ko ang mga yapak niyang papalayo, muling tumulo ang mga luha ko. I wanted to believe her words, pero paano kung totoo ang sinabi ni Mikhael? Paano kung wala talaga akong halaga?
Kinuha ko ang bottled water sa tabi ko, pinilit uminom para itago ang panginginig ng mga kamay ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Walang makikita kundi ang isang babaeng pagod, wasak, at walang direksyon.
"Kaya mo pa ba, Aiah?" tanong ko sa sarili ko. Hindi ko alam ang sagot.
Habang nakaupo ako sa isang sulok ng studio, tahimik na sinisikap ipanumbalik ang focus ko, naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Hindi ko kailangang tumingin para malaman kung sino—sa pamilyar na amoy ng mamahaling pabango, alam ko agad na si Caius iyon.
She didn't say anything, as usual. Tahimik lang siya, pero parang sapat na ang presensiya niya para magdala ng kakaibang pakiramdam. Sa kabila ng lungkot ko, naramdaman ko ang kaunting ginhawa, na parang sinasabi ng katahimikan niya na hindi ako nag-iisa.

BINABASA MO ANG
Her Unwanted Marriage | MikhAiah
FanfictionAiah Arceta has always lived in the shadow of her perfect twin sister, Ara, who was their family's pride. On the day of Ara's wedding to the powerful CEO Mikhael Lim, Ara unexpectedly runs away, leaving their family in chaos. To save their reputatio...