Chapter 8

995 53 12
                                    

MIKHAEL'S POV.

Nasa harap ako ng gate, pinipilit kalmahin ang sarili habang hinihintay ang pagbabalik ni Aiah. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagdesisyong hintayin siya ngayon, pero nang makita ko ang pamilyar na itim na sasakyan na tumigil sa harap, agad akong napaisip.

Caius Vergara.



Sinundan ko siya ng tingin nang makita kong bumaba siya mula sa driver's seat, diretsong pumunta sa passenger side, at marahang binuksan ang pinto.



And there she was—Aiah.

Hindi ko na napigilan ang galit na namuo sa dibdib ko. Sinong nagbigay ng karapatan sa babaeng 'yon na ihatid siya rito? At bakit kasama niya si Caius?



Habang tinitingnan ko sila, parang walang pakialam si Caius. Kalmado lang siyang nakatayo sa tabi ni Aiah, Alam kong aware siya sa presensya ko pero hindi ko alam kung aware ba si Aiah.




Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumuwid ako ng tayo, tinitigan siya ng matalim, at malamig na binitiwan ang tanong.




"Why are you with my wife?"


"Mikhael..." narinig kong tawag sakin ni Aiah. So hindi nga siya aware na nandito ako. Hindi ko siya tinapunan ng tingin at ang mga mata ko nakafocus lang kay Caius.

Bahagyang nag-angat ng kilay si Caius, saka ngumiti ng may halong kayabangan. Hindi siya nagmamadali sa pagsagot, parang sinasadya niyang buwisitin ako.

"Really?" Tumawa siya ng mahina at mapanukso, saka nagpatuloy. "Now you're claiming her as your wife, huh?"

Halos kumulo ang dugo ko sa sagot niya. Nakita ko pa ang bahagyang ngisi sa mga labi niya, parang sinasadyang bigyang-diin ang insulto.

"I'm warning you, Caius," malamig kong sabi, ang tono ko ay puno ng pagbabanta. "Don't meddle in things you don't understand."

Pero sa halip na magpakita ng respeto o kahit takot, humakbang siya papalapit sa akin, Nakita kong sinundan siya ni Aiah at binila sa suot nitong polo.

What the fuck are you doing Aiah?

"Meddle?" Tumawa siya ng mahina, ngunit puno ng pangungutya. "Funny how you say that, Mikhael. From what I see, you're the one who doesn't even care about her." Tinuro niya si Aiah na nakahawak pa rin sa suot niya, halatang naguguluhan at hindi alam ang gagawin.

Parang sinampal ang ego ko sa sinabi niya. "You don't know anything about me and my wife," madiin kong sabi, ngunit ang mga salitang iyon ay parang walang epekto sa kanya.

"Exactly," aniya, ang boses niya ay mas naging seryoso. "I don't know how you can stand here acting all high and mighty, when everyone can see just how badly you've been treating her. Asawa mo raw? Do you even know what that means?"

Napalunok ako sa gigil, pero hindi ko ipinakita na naapektuhan ako. "Watch your fucking mouth, Caius," banta ko, ang tono ko ay mas naging malamig. "You don't get to lecture me about my marriage."


Pero ngumiti lang ulit siya, ang ngising iyon ay mas nakakapikon kaysa sa kahit anong sinabi niya. "Then prove me wrong, Mikhael. Show me that you actually care for her. Because if you don't…" Tumigil siya, ngunit ang titig niya ay matalim, sinadya ang bawat salitang binibitawan. "…someone else will."




Tumigil ang mundo ko saglit sa sinabi niyang iyon. Tila sinaksak niya ako sa dibdib, at hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon ang naramdaman ko. Pero hindi ako nagpaakita ng alinmang emosyon.

Her Unwanted Marriage  | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon