AIAH'S POV
Katatapos ko lang ng isang mahabang araw ng photoshoot. Ramdam ko ang pagod sa bawat hibla ng katawan ko, pero pinilit kong huwag ipahalata kanina. Isa ito sa mga araw na kahit gusto kong magpahinga, kailangan kong ngumiti at magkunwari na okay lang ako—dahil trabaho ito.
Pagkaupo ko sa kotse, kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag at tiningnan ang mga notifications. Sa dami ng messages, isa ang agad na umagaw ng pansin ko: isang text mula kay Mommy.
03:56 P.M
> "Umuwi ka ng bahay mamaya. May kailangan tayong pag-usapan. Importante ito."Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Ramdam ko ang biglang pagbigat ng dibdib ko. Hindi na ako nagulat—alam kong darating ang araw na tatawagin na naman ako pabalik sa bahay. Pero hindi ko pa rin maiwasang mainis at mairita.
"Ano na naman kaya ang gusto nila? Another reminder na wala akong kwenta? Another comparison kay Ara?" Tumikhim ako at napailing.
Ayokong umuwi. Ayoko talagang bumalik doon. Pero alam kong wala akong magagawa. Kapag sinabi ni Mommy na importante, kailangan kong sumunod kahit na parang hinihila ang buong pagkatao ko papunta sa direksyon na ayaw ko.
Tumingin ako sa bintana ng kotse, pinapanood ang mga ilaw ng lungsod na naglalaro sa salamin. Sa labas, mukhang tahimik ang gabi, pero sa loob ko, parang may bagyong paparating. Naisipan kong umuwi na muna sa condo ko. Ito ang unang regalo sakin ni Daddy nung nag tapos ako ng college. Palihim pa ngang binili ni Daddy 'to para sakin.
Nag-type ako ng mabilis na sagot.
04:30 P.M
> "Okay."Pagdating ko sa condo ko, dumiretso ako sa kwarto at humiga saglit sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame, pilit iniisip kung anong posibleng dahilan kung bakit kailangan akong pauwiin. May kinalaman kaya ito kay Ara? O kay Mikhael?
Ang daming tanong sa isip ko, pero wala akong sagot. At sa totoo lang, parang wala na rin akong lakas para mag-alala.
Bumangon ako at tinapik ang pisngi ko. "Kaya mo 'to, Aiah," bulong ko sa sarili. "Sanay ka na, 'di ba?"
Kahit anong sabihin nila, kahit ano pang rason nila, wala na sigurong mas sasakit pa sa mga narinig ko noon.
Tinapos ko ang natitira kong oras sa condo at nag-ayos para umuwi. Habang nasa biyahe, pilit kong kinakalma ang sarili. Pero sa likod ng utak ko, alam kong ang pagbabalik ko sa bahay ay palaging isang laban na hindi ko gusto pero kailangan kong harapin.
FF | Main Estate | Arceta's Mansion
Pagkarating ko sa bahay, agad akong sinalubong ng mga maids. Hindi ko maiwasang mapansin ang tensyon sa paligid—parang lahat sila ay nag-iingat sa bawat kilos. Isa sa kanila ang nagpaalam na hinihintay ako ni Mommy sa dining room.
Huminga ako nang malalim. Ito na naman. Sa bawat hakbang ko papunta sa dining room, parang lumalaki ang bigat sa dibdib ko. Pilit kong pinapalakas ang loob ko, kahit alam kong walang magbabago—kung ano man ang sasabihin niya, palaging ako ang mali sa mata niya.
Pagbukas ko ng pinto, agad kong nakita si Mommy na nakaupo sa dulo ng mahaba naming dining table. Hindi na ako nagulat sa seryosong expression niya, pero hindi pa rin maiwasang kumabog ang puso ko. Ang malamig na tingin niya ay parang isang paratang na hindi ko man alam kung ano ang kasalanan ko.

BINABASA MO ANG
Her Unwanted Marriage | MikhAiah
FanfictionAiah Arceta has always lived in the shadow of her perfect twin sister, Ara, who was their family's pride. On the day of Ara's wedding to the powerful CEO Mikhael Lim, Ara unexpectedly runs away, leaving their family in chaos. To save their reputatio...