Chapter 5

980 40 8
                                    

CAIUS'S POV






Nakaupo ako sa swivel chair sa opisina ko, nakatingin sa labas ng floor-to-ceiling glass window habang iniikot ang baso ng whisky sa kamay ko. Pero sa totoo lang, wala naman akong interes sa view ng city lights. Ang nasa isip ko ngayon ay si Aiah Arceta.







"She's intriguing," bulong ko sa sarili ko habang iniisip ang mga saglit na nakita ko siya kanina sa photoshoot.






Hindi ko maalis ang imahe niya sa utak ko—ang paraan ng paggalaw niya, ang mga mata niyang parang laging may itinatagong lungkot sa kabila ng kanyang ngiti. Kaya naman pinilit kong malaman ang lahat tungkol sa kanya. Ngayon, narito ang isa sa mga tauhan ko, ibinibigay ang report na ipinahanap ko.








"She's 24 years old, a model for almost a decade now," simula ng tauhan ko habang binabasa ang folder na hawak niya. "Dati na siyang kilala sa industriya, pero mas lalong dumami ang projects niya noong naging connected siya sa Prada."







Tumango ako, tahimik na hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.







"Interestingly, she's married," dagdag pa niya, dahilan para maitaas ko ang kilay ko. Married?








Nagpatuloy siya, tila hindi napansin ang reaksyon ko. "To Mikhael Lim. Pero base sa nakuha naming impormasyon, the marriage was a rushed arrangement. Hindi siya ang original bride—ang kapatid niyang si Ara Arceta ang dapat ikakasal kay Mikhael, pero nag-backout ito sa mismong araw ng kasal. Kaya Miss Aiah ang ipinalit ng pamilya niya."





Napangiti ako nang bahagya, tila natutuwa sa sitwasyon. So, she's married to Mikhael Lim... on paper.







"Kamusta ang trato sa kanya ng pamilya niya?" tanong ko, kahit alam kong mahuhulaan ko na ang sagot.







May bahagyang pag-aalinlangan sa boses ng tauhan ko nang sumagot siya. "Hindi maganda, Boss. Based on the interviews we conducted, mukhang mas pabor ang pamilya niya sa kapatid niyang si Ara. Aiah was often overlooked, treated as a second choice."





Tiningnan ko siya, ang ngiti ko mas lumalim. "Second choice, huh? Pati sa kasal, ginawa siyang reserba."







Tumango ang tauhan ko, nagpatuloy pa sa pagbibigay ng detalye. "Pero despite that, she built a name for herself in the modeling industry. Sikat na siya noon pa, Boss, lalo na sa mga luxury brands. It's just that... you've probably never noticed her because you were always out of the country."








Napatawa ako nang mahina, isang malamig at mababaw na tunog na nag-echo sa opisina. "You're right. Siguro nga kung hindi ako bumalik, hindi ko siya mapapansin."








Isinandal ko ang ulo ko sa likod ng upuan at tumingin ulit sa baso ng whisky. "But now that I've seen her... I wonder how Mikhael feels about her."







"Boss, base sa mga nakuha naming impormasyon, mukhang hindi maganda ang trato ni Mikhael sa kanya. It's more of an arrangement than a marriage," sagot ng tauhan ko, tila nagbabasa ng script.









Muli akong ngumiti, pero mas seryoso na ngayon. "Interesting. She's stuck in a marriage she didn't want, treated unfairly by her family, and yet she stands tall. Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa sa kanya."







Tumayo ako, binasag ang katahimikan sa opisina. Lumapit ako sa executive desk at kinuha ang report mula sa tauhan ko. "Good job. For now, that's enough. Keep an eye on her and send me updates if there's anything new."







Tumango ang tauhan ko bago tumalikod at lumabas ng opisina, iniwan akong mag-isa. Binuklat ko ang folder at tiningnan ang ilang litrato ni Aiah mula sa photoshoot niya.








"Finally noticed you, huh?" bulong ko habang pinagmasdan ang mga mata niyang puno ng damdaming hindi niya sinasabi. Napangiti ako, hindi ko rin alam kung bakit. Pero isa lang ang malinaw—hindi ko siya babaliwalain tulad ng ginawa ng iba.





Kinuha ko ang baso ng whisky at ininom ito nang dahan-dahan, ninanamnam ang init ng alak na dumaloy sa lalamunan ko. Tahimik ang buong opisina, pero ramdam ko ang bigat ng iniisip ko.






Nakatitig ako sa litrato ni Aiah na nasa report sa executive desk. Isa sa mga kuha mula sa kaninang photoshoot—ang mata niya ay parang may sinasabi, pero walang nagsasabi kung ano ang totoong nararamdaman niya. There was something about her... something that drew me in.







Muli akong umupo, hawak ang baso ng whisky. Sa bawat detalye ng ulat na binasa ko, lalong lumilinaw sa akin kung gaano siya kaibang babae. She wasn't like anyone I've met before. Her resilience despite the way life treated her intrigued me.







Inikot ko ang baso sa kamay ko bago ito muling tinungga, pagkatapos ay ibinagsak nang maingat sa executive desk. Napangisi ako, pero seryoso ang mga mata ko habang binigkas ang mga salitang bumabagabag sa akin mula kanina.








"Anong gagawin mo, Mikhael, kapag nalaman mong interesado ako sa asawa mo?" bulong ko sa sarili ko, puno ng tiyak na intensyon.








Tumayo ako, tumalikod sa executive desk, at naglakad patungo sa bintana. Ang city lights sa labas ay hindi ko man lang napansin—ang nasa isip ko lang ay ang susunod na hakbang.






Mikhael might not care for her, but I do. Sa papel, asawa niya si Aiah, pero sa mata niya, she's just a placeholder. Someone who exists to save face for their family. Nakakatawa, dahil hindi man niya alam, she's letting go of a gem.







Kung tutuusin, wala akong pakialam kung asawa siya ng iba. Hindi rin ako naniniwala sa mga bagay tulad ng pagrespeto sa boundaries na wala naman sa kanya. Kung si Mikhael mismo hindi kayang pahalagahan si Aiah, bakit ko siya uurungan?







Napangiti ulit ako, pero ngayon ay mas seryoso, mas malalim. Aiah Arceta wasn't just someone who caught my attention—she was someone I wanted to understand. At ang gusto ko, palagi kong nakukuha.









Naglakad ulit ako pabalik sa executive desk kinuha ang folder na naglalaman ng lahat ng impormasyon tungkol sa kanya, at iniipit ito sa isang compartment. "This is only the beginning," bulong ko sa sarili ko, habang binubuo ang plano sa utak ko.









Alam kong hindi magiging madali. Si Mikhael Lim ang nasa likod ng pangalan niya, pero hindi iyon sapat para pigilan ako.










"She's worth it," sabi ko sa sarili ko, matigas ang tono.







At sa unang pagkakataon sa matagal na panahon, naramdaman kong excited ako—dahil ngayon pa lang kami maglalaban para sa isang babae.










------






team Mikhael or team Caius?





Her Unwanted Marriage  | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon