Chapter 30
Gwen Apuli.
Naguguluhan pa rin ako habang nakatingin sa paligid. Dapat nasa Milan kami, nagbabantay kay Aiah, pero heto kami ni Colet, naglalakad sa Paris na parang mga nawawalang turista. Hindi ko talaga alam kung paano kami napunta rito, at mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit kasama namin ang dalawang kupal na sina Maloi at Stacey. Ang kapal ng mukha nila kanina sa airport—may pa-deklarang "Babantayan namin si Mikha para di makalapit si Sophia!" Pero heto sila ngayon, nag-eenjoy sa Paris na parang field trip lang, habang kami ni Colet, parang security guard na nagmamasid sa bawat kilos nila.
"Bakit nga ba tayo nandito?" tanong ko kay Colet habang naglalakad at tinitingnan ang bawat madaanan—mga taong abala sa mga café, mga turista na nagse-selfie, at isang pares ng kaluluwa **"aka kami"** na parang wala sa tamang lugar.
"Alam mo, Gwen, hindi ko rin alam," sagot niya, sabay kibit ng balikat na parang wala siyang balak alamin. Ang casual ng tono niya, para bang hindi big deal na literal na hindi namin alam kung bakit nasa Paris kami. Napakamot ako sa ulo at naalala yung nangyari kanina.
** Flashback At The Airport **
Habang naglalakad kami ni Colet papunta sa boarding gate, napansin kong parang biglang bumigat ang hangin sa paligid na parang may war na papalapit. Hanggang sa narinig ko ang pamilyar na mga tinig sa likod namin. When I turned around, it was Maloi and Stacey.
Shitt... the good looking demons are approaching us.
As in Definitely Good looking Demons talaga.
"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko kay Maloi, medyo binabaan ko pa ang boses ko kunwari, pero obvious naman na iritado ako sa paglapit nila.
"Bakit? May titulo ka ba sa airport na 'to? Ikaw ba may-ari?" Maloi replied, sabay taas ng isang kilay at ngisi na parang nanalo sa lottery.
Sakto, nagsalita na si Colet bago pa ako makasagot. "Hoy babaeng mukhang espasol! Ano, pinanganak ka bang may dalang mission na ubusin ang pasensya ng tao?"
"I think, I was born good at everything, that's why I'm like this now. What about you? You were born to walk like you own a public market?" sagot ni Maloi na ikinaangat pa ng kilay niya.
"Susmaryosep! Sa Paris! Pupunta kami ng Paris!" singit ni Stacey habang suot ang kanyang pink na sunglasses na parang akala mo ay biglang nasa runway siya ng fashion show. "Hindi pwedeng lokohin ni Mikha si Aiah, kaya nandito kami!" pagtataray na rin niya.
Napailing si Colet. "Tangina Stacey, sa Paris pa? Eh, may pang ticket ba kayo? Baka naman sa terminal lang kayo mag-abang ng flight na wala."
"Hoy Vergara! Anong akala mo samin? Dukha! At least kami may direksyon sa pupuntahan!" balik ni Maloi, sabay singhal. "Ikaw? Wala kang ibang ambag kundi pagiging kontrabida sa buhay namin. Pangit ka na nga, parang pinag-lihi ka pa sa sama ng loob, tapos, hoy—ang ugali mo, parang trapik sa EDSA! Walang galawan, puro init lang ng ulo!"
"Hoy!" sigaw ni Colet, hinatak ko na siya dahil halatang susugod na talaga siya. "Gusto mo bang bigwasan ko ngala-ngala mo para matapos na 'tong kabaliwan mo na 'to?"
"Colet, tama na. Kalma lang," sabi ko, pero halatang kalahati ng kaluluwa ko gusto ring makisali sa away nila.
"Kalma? Ako? Kalma?" Halos namula na sa galit si Colet. "Walang kalma-kalma kung ganyan ang kausap! Ang kapal ng mukha eh! Eh parang si Dora na nawalan ng mapa! Hindi ba siya aware na wala siyang sense of direction, kahit sa utak?" galit na sabi niya.

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry