"Skin care, sleep wears, spare clothes, charger......"
"You ready shobe?" I heard Kuya Blake's outside.
"I'm done Kuya just give me a minute." I said loudly.
Nakapag bihis naman na ako. I wore a simple black top and baggy pants. I also bring a same black top mag hapon kasi kami sa palengke so kailangan may pamalit ako na itim din.
"Let's go."
Naka upo at naghihintay na sa sala sila Kuya. Nag chat na din yung mga kumag na nasa baba na sila nag hihintay. Habang pababa walang sawa ang mga paalala nila Kuya lalo na ni Kuya Blaze. Ito kasi ang unang beses na mag oovernight ako. I told you my circle of friends is too small nag yayaya naman sila noon ako lang talaga ang hindi sumasama.
"KUYAAAAAA!" Agad na tumakbo si Greg sa amin paglabas namin.
"Kapatid ka?" Asik ko sa kanya.
Natatawa namang ginulo ni Kuya Blake ang buhok ni Greg at ang kumag dinilaan pa ako. Isip bata talaga.
"How are you Greg? Dapat nagpa pahinga ka ngayon." Kuya Blaze asked.
Na kwento ko kasi sa kanila kagabi yung nangyari kay Greg. Like me they are also worried hindi naman kasi ganon kahirap mapalapit kay Greg, he's a sunshine honestly.
"Okay lang ako Kuya. Maiinggit lang ako sa kanila pag hindi ako sumama." Naka kapit na sya sa magkabilang braso ng mga Kuya ko. Ako? Ito nasa likod nila.
Napansin ko naman na nasa labas ng van lahat ng mga kumag hinihintay kami makalapit.
"Mga classmate nga pala namin Kuya." si Greg.
Isa isa naman silang nagpa kilala kila Kuya. Ang wala lang dito ngayon ay si Adam. Doon na kasi namin sya kikitain sa palengke mismo.
"I'm going straight to the point guys. You are all boys and Astra having a overnight with you is a big NO to me. But since Dad and Papa trusted you and Astra I don't have any choice. Just take care of her the whole day." Kuya Blaze said.
"She will sleep separate from us that's what I assure you." Cloud replied.
"Kami na rin bahala kay bossing. Di namin papabayaan to." Inakbayan pa ako ni MM.
"Thanks. Yun lang naman gusto namin marinig. This is the first time na nag paalam sya para sa overnight so I expected she's really comfortable around you."
Ilang minuto pa sila nag usap bago kami umalis. I hugged my Kuyas before leaving, uuwi na rin kasi sila sa condo nila talagang hinatid lang ako at gustong kausapin itong mga kasama ko.
Hindi naman kalayuan ang byahe papunta sa palengke. Habang nasa byahe nag bunutan na din kami kung saang stall kami pupwesto. I picked the meat section together with Cloud, T, Isaiah, MM and Saint. Sa vegetable stall naman Greg, Oli, Toby, Aiden, Jude and Ryker. Sa Fish section Adam, Brett, the Twins, PJ and August.
"Someone call Adam para masundo na tayo." T ordered.
"On the way na daw sya dito. Kanina ko pa sya na text."
We're here at the parking lot already. Ang daming tao naeexcite ako.
"I can sense your excitement Coleen." Nasa likod ko si Cloud at naka hawak sa mag kabilang bewang ko.
"I am. This is my first time." I giggled.
"Paramihan ng benta ah. Sino pinaka konti ang benta sasayaw mamayang gabi." Pasimuno talaga ng kalokohan to si MM eh.
"Sus sasayaw lang pala eh." Pagyayabang nitong si Saint na ang tigas naman ng katawan.
"Yabang mo tigas tigas naman ng katawan mo." Di ko napigilan na sabihin.
