🏥⛪ 41- Destiny

2.8K 68 13
                                    

Destiny
Ang tadhana ay hindi lang basta inilalarawan ng kapalaran, kundi hinuhubog ng mga desisyong ginagawa natin bawat araw. It's parang isang ilog—maaari kang sumabay sa agos, pero nasa iyong mga kamay kung saan mo ito padadaluyin.

📿MARIKAH SYCHELLE

Tuwing araw talaga ng kapaskuhan ay damang-dama ang katahimikan at kapayapaan ng kapaligiran. Dala na rin siguro na ang araw na ito ay para sa mga bata na siyang magbabahay-bahay na upang magmano sa kanilang mga Ninong at Ninang. Samantalang tayong mga nasa tamang edad na ay puyat sa nadaang gabi ng selebrasyon. 

Masasabi ko na isa ito sa napakaganda kong gising, kahit na kanina ay gumising ako upang magdasal ay bumalik muli ako sa higaan at natulog pa. Alas otso na ng umaga at kailangan ko na maghanda. Siguradong hinihintay na ako ng mga bata sa bahay ampunan. Ganado akong bumangon at masayang hinawi ang dim curtain nitong aking silid. Napapikit pa ako dahil nasa direksyon ko ngayon ang sikat ng araw. 

Kahit na nakasara ang bintana ay tila naririnig ko ang huni ng mga ibon sa kulay asul na kaulapan. Sa ganda ng sikat ng araw ay hindi nagbabadya na uulan sa araw na ito. 

Nagtungo na ako sa restroom ng aking silid upang makapaghanda na sa aking pag-alis ngayong araw. Pagkatapos ay nagsuot ako kulay pula na turtle neck na long sleeve at palda na below the knee saka ko pinares sa paborito kong doll shoes. Pagkapatuyo ko sa aking buhok ay naglagay na ako ng belo. Dahil baka mahimatay ang mga madre sa pupuntahan kong ampunan, maging na rin ang mga tao sa amin kapag nakita nila ako na hindi nakalagay ng ganito. Ang tanging kolorete na aking nilagay ay liptint na siyang regalo sa akin ni Harmony. Hindi ito sobrang pula kaya nagustuhan ko. Inayos ko lamang sa ibabaw ng aking kama ang mga regalo na hindi ko pa nabubuksan. Balak ko itong buksan lahat pagbalik ko mula sa Marikavan.

Inilabas ko ang isang maleta na siyang dadalhin ko lamang pauwi. Pinagkasya ko na rito ang aking mga dinalang gamit maging ang regalo ko kila Lolo at Lola. Marami naman akong damit doon kaya hindi na ako gaano nagdala. 

Maingat ko itong ibinababa sa grand staircase. Maya-maya ay naramdaman ko na may humawak ng maleta. Ang nakangiting si Dok Hideo ang sumalubong sa aking mga mata. Mukhang kalalabas niya lang sa kanyang silid. 

"Magandang umaga, aking Sinta. Ako na d'yan..." Tuluyan niyang kinuha ang hawakan ng maleta. 

Hinayaan ko siya sapagkat natuon ako ng pagkakatitig sa kanya. Nanibago ako na nakasuot  lamang siya ng kulay maroon na Lacoste polo shirt ngayon. Nalaman ko na iyon ang tatak sapagkat may crocodile sa left side. Marami ang nag-aakala na alligator ito, pero hindi. Ang pagkakaiba lang naman ng alligator at crocodile, dahil ang alligator ay mahaba ang bibig, samantalang ang crocodile ay mga politiko na ganid sa kaban ng bayan.

Ang pagiging ganid sa kahit na ano'ng uri ng kayamanan ay isang kasalanan sa mata ng Diyos. Masyado na akong lumalayo sa konteksto ngunit nakakalungkot man isipin ay ito ang katotohanan ng realidad.

Nakangiti lamang ako sa kanya habang pareho kaming pababa.
Kay aga niya rin sigurong nagising.

Nang tuluyang makababa ay itinabi niya muna sa gilid ng hagdan ang maleta ko.

"Mag-almusal muna tayo, nagluto ako para sa atin. Tulog pa kasi silang lahat. Mga napuyat sa nagdaang gabi."

Pagtingin ko sa dining area ay may nakahain na doon na egg, bacon, at veggie and fruit salad. Tamag-tama sa puro protein na kinain namin sa nagdaang selebrasyon.

Nakakataba ng puso na gumising siya ng maaga upang lutuin at ihanda ang mga ito.

"Nakatulog ka ba ng maayos at sapat?" tanong niya habang patuloy akong inahahainan ng kanyang mga niluto.

The Doctor Series #1 : My New Life is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon