AIAH'S POV
Mula nang magsimula ang photoshoot, pilit kong ibinuhos ang atensyon ko sa trabaho. Ang mga ilaw ng kamera, ang mga utos ng photographer, at ang nagmamadaling kilos ng production team—lahat iyon ay sinubukan kong gawing shield laban sa gulo sa isip ko. Pero kahit gaano ko pilitin, ramdam ko ang bigat sa dibdib ko.
"Beautiful, Aiah! Keep that angle, give me that fierce look," sigaw ng photographer. I adjusted my pose, turning slightly to the left, habang pinipilit na magpokus.
Habang abala ang lahat, napansin kong parang may kakaibang tensyon sa paligid. Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang isang tao na nakatayo sa malayo, tahimik na nakatingin sa akin.
At pagtingin ko, doon ko siya nakita—si Caius Vergara.
Nagulat ako. Hindi ko inaasahan na nandito siya, lalo pa't hindi sinabi ni Miss Jovy na darating siya nang personal. The Prada CEO was watching me, her intense gaze fixed on my every move. Kahit nasa malayo, ramdam ko ang presensya niya. Napalunok ako.
"Aiah, focus," paalala ng photographer, na nagbalik sa akin sa realidad. Tumango ako at muling nag-ayos ng pose, pero hindi na maalis sa isip ko ang tingin ni Caius.
Matapos ang ilang kuha, narinig ko ang paglalakad niya papalapit. Ang bawat hakbang niya ay parang may sariling echo sa isip ko. Sa isang iglap, nandiyan na siya sa gilid ng set, at nagbigay ng mahinahong ngiti ang director bilang pagbati sa kanya.
"Miss. Vergara," sabi ng director, halatang kinakabahan. "It's an honor to have you here."
Caius nodded, pero hindi niya inalis ang tingin sa akin. "I'm here to see how things are going," she said in a calm yet commanding tone. "Carry on."
Nagpatuloy ang photoshoot, pero ang paglapit niya ay nagbigay ng dagdag na pagkailang sakin. Kahit na pinipilit kong mag focus, nararamdaman ko ang mga mata niya na sumusubaybay sa bawat galaw ko.
Pagkatapos ng isang set ng shots, nagbigay ng break ang photographer. Agad akong tumalikod para uminom ng tubig, pero bago pa man ako makalayo, narinig ko ang mababang boses ni Caius.
"Aiah," she said, calling my name with ease, as if we were old acquaintances.
Napahinto ako. Dahan-dahan akong humarap sa kanya, pinipilit itago ang kaba ko. "Yes, Caius?"
Lumapit siya nang mas malapit, at kahit gaano kaliit ang espasyo sa pagitan namin, pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng tao sa paligid. "You're doing well," she said, her eyes scanning my face. "Better than I expected."
"Thank you," sagot ko, halos hindi alam kung ano ang dapat kong sabihin. "I appreciate the compliment."
She tilted her head slightly, as if studying me. "You're not just a pretty face, Aiah. There's something about you—something that draws people in. That's why I'm here. I wanted to see it for myself."
Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, pero parang may bigat ang bawat salitang binibitawan niya. "I'm just doing my job, Caius." sagot ko, pilit na pinapanatili ang professional na tono.
Ngumiti siya, pero hindi ito iyong tipikal na ngiti. Parang may alam siya na ako mismo ay hindi ko pa naiintindihan. "That's what makes you interesting. You have no idea how much potential you have, do you?"

BINABASA MO ANG
Her Unwanted Marriage | MikhAiah
FanfictionAiah Arceta has always lived in the shadow of her perfect twin sister, Ara, who was their family's pride. On the day of Ara's wedding to the powerful CEO Mikhael Lim, Ara unexpectedly runs away, leaving their family in chaos. To save their reputatio...