Chapter 3

1K 59 2
                                    

AIAH.

09:40 P.M

Pagkatapos ng photoshoot, napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang madilim na ulap sa langit. Gabi na, pero parang mas malamig ang nararamdaman ko sa loob kaysa sa paligid. Ayokong umuwi, pero wala akong ibang mapuntahan.

Sumakay ako sa kotse, pinilit na huwag isipin ang madidilim na hallway ng mansion at ang malamig na tingin ni Mikhael na palaging nagbabaon sa akin ng sakit.

Pagkarating ko sa bahay, bumungad agad ang katahimikan. Ang klase ng katahimikan na parang sumisigaw ng galit, na parang nagbabantay sa bawat hakbang ko. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko habang binubuksan ang pintuan.



Pagpasok ko, nakita ko si Mikhael na nakaupo sa sofa, suot ang isang itim na long-sleeve shirt, ang mga mata niya nakatutok sa laptop. She looked up when she heard me enter, her cold eyes meeting mine.


"You're late," she said flatly, closing her laptop.


"Hindi naman ako nagbigay ng oras na dapat kong sundin," sagot ko, pilit pinapakita na wala akong pakialam, kahit na tumitibok ang dibdib ko sa kaba.

Tumayo siya, ang postura niya palaging puno ng authority. Parang kahit anong sabihin niya, kailangan kong sumunod. "I told you earlier, Aiah. Inform me next time. Wala akong pakialam kung photoshoot pa 'yan o meeting. You're my wife, and people will talk if you're seen wandering around without me knowing."

Ang salita niyang "my wife" ay tumusok sa dibdib ko. Hindi dahil sweet ito, kundi dahil sa tono—parang titulo lang ako, walang laman.

"I wasn't wandering around," sagot ko, pilit na nilalabanan ang lamig ng boses niya. "I was working, Mikhael. Something I've been doing long before I became your wife. So why does it matter to you now?"

Umangat ang isang kilay niya, at parang napansin ko ang bahagyang iritasyon sa mukha niya. "It matters because we're married, Aiah. Kung hindi mo kayang mag-behave properly, then don't expect me to clean up the mess you might cause."

I bit my lip, the anger bubbling in my chest. Properly? Ano ako, bata? "Why do you even care about my 'behavior'? You've made it clear from the start that you don't want me here."


Tahimik siya, at ang tingin niya sa akin ay mas matalim kaysa kanina. Pero hindi niya ako sinagot.



"I'm just a replacement, right? So why act like you care what I do?" Nadala na ako ng emosyon ko, at hindi ko na napigilan ang mga salitang gustong-gusto ko nang sabihin.



Her jaw tightened, and for a moment, akala ko sasagot siya. Pero tumalikod siya, ang malamig niyang boses nag-iwan ng sugat sa akin. "Go to bed, useless Arceta. I don't have time for this."


Tumayo ako sa kinatatayuan ko, nanatiling nakatingin sa likod niya habang paakyat siya sa hagdan. Gusto kong sumigaw, gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko ginusto ang kasal na 'to. Na ako rin, napilitan lang. Pero sa huli, wala akong ginawa.



Pumasok ako sa Guest Room na kwarto ko na ngayon, binagsak ko ang sarili sa kama, at tumitig sa kisame.


Kahit napagod ako sa photoshoot buong araw, mas napagod ako sa pakikitungo kay Mikhael. I've faced harsh photographers, judgmental clients, and gossiping coworkers, pero walang hihigit sa bigat ng araw-araw kong buhay dito sa mansion.

Kinuha ko ang phone ko, at nagulat ako nang makita ang isang text message. It was from Mama Jovy.

09:55 P.M. Mama Jovy
> "You okay? If you need someone to talk to, I'm here."

Her Unwanted Marriage  | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon