Chapter 29
Aiah Arceta.
Habang yakap ko pa rin siya, hindi ko na napigilang itanong, "Bakit ka nandito, Mikha?" Kahit mahina lang ang boses ko, alam kong narinig niya.
Napansin kong bumuntong-hininga siya bago sumagot, "Wala. Dumaan lang."
"Dumaan lang?" tanong ko ulit habang tumitingala sa kanya. Hindi ko mapigilan ang pagngiti kahit halatang nagsusungit ang tono niya. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit hindi niya inaalis ang yakap niya sakin kung nag susungit na naman siya?
She held me tighter, I could feel her heartbeat that seemed to be in sync with mine. I didn't speak anymore. Instead, I buried my face in her chest. Her scent, the warmth of her body, it's like every hug of her wants to say that I'm safer when she's here.
"Sobrang drama mo, Aiah," narinig kong bulong niya, pero hindi iyon nakapagpagalaw sakin. Kung ano man ang dahilan niya sa pagpunta dito, ayoko nang alamin pa. Ang mahalaga, nandito siya, at nararamdaman ko na kahit puro away ang nangyayari samin sa araw-araw, Alam kong kahit paano important ako sa kanya.
Biglang tumunog ang phone ko, at nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, nakita kong si Manager. Napakunot ang noo ko habang sinagot ang tawag.
"Hello?" sagot ko, pilit pinapakalma ang sarili kahit ramdam ko pa rin ang init ng yakap ni Mikha sakin. I felt her pull away from me and sit on the sofa while leaning her head on the back of the sofa. I saw her close her eyes, she was obviously tired, she should have been resting but here she is now, in Milan where I am.
"Aiah, nasa lobby na ang sasakyan. We're heading to the photoshoot in 15 minutes. Don't be late," sagot ni Manager sa kabilang linya, Ayun lang ang sinabi niya at binaba na ang tawag. Hinagis ko yung phone ko sa bed.
Bigla kong naalala ang schedule ko. Napatingin ako kay Mikha, na nanatiling tahimik habang nakaupo sa couch. She opened her eyes. I could see the understanding in her eyes, even though she didn't seem happy.
Bumuntong-hininga ako at lumapit sa kanya. "Kailangan ko na umalis," mahina kong sabi habang nakatingin sa kanya.
Tinignan lang niya ako at bahagyang tumango, pero wala siyang sinabi. Para bang binibigyan niya ako ng space para gawin ang kailangan ko, kahit halata sa mga mata niya na ayaw niyang paalisin ako.
"Babalik ako agad," sabi ko, kahit hindi ko alam kung kaya ko bang tuparin iyon. Ayoko pa sanang umalis, pero alam kong kailangan ako sa photoshoot. Bago pa ako tuluyang lumabas ng kwarto, naramdaman ko ang marahan niyang hawak sa braso ko.
"Aiah," tawag niya, mahina lang pero sapat na para marinig ko. Napalingon ako sa kanya. "Huwag kang magmadali. Gawin mo 'yung kailangan mong gawin," aniya pa.
Ngumiti ako, kahit ang bigat sa loob kong iwan siya dito. "Hintayin mo ako," sagot ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.
FF | Photoshoot
Nasa gitna ako ng photoshoot, suot ang luxury brand na kailangan kong i-promote. Ang mga ilaw ng camera ay paulit-ulit na kumikislap, pero pakiramdam ko, para akong robot na sumusunod lang sa sinasabi ng photographer.
"Aiah, tilt your head a bit. Yes, like that! But I prefer a more intense expression, okay?" sigaw ng photographer. Tumango lang ako at pilit na ngumiti, pero alam kong hindi ako nakakapag-deliver ng maayos.

BINABASA MO ANG
Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)
Fanfictionsi Aiah at si Mikha ay tom & jerry