SIMULA

3.3K 51 1
                                    

Akala ko, hindi na pwedeng bumagsak pa ang buhay ko.





Bakit??





Dahil isa akong famous model, lahat nakuha ko na.




Maliban sa...





Pagmamahal ng isang Ina.







Dahil...





Lumaki akong nasa gilid lang—parang extra sa sariling pamilya ko. Ang tingin sa akin ng nanay ko? Wala akong kwenta. Palaging si Ara ang bida, ang favorite. Ang kambal kong perpekto. Siya ang pride ng pamilya. Ako? Isa lang akong malaking kahihiyan.







But at least I had Dad. Siya lang ang kumakampi sa akin. He'd always tell me, "You're enough, Aiah. You're not like your sister, but that's what makes you special." Yun ang palagi kong pinanghahawakan.







Akala ko perfect na kahit hindi ko naramdaman ang pagmamahal na hinangad ko mula sa sarili kong Ina.







Pero nagkamali ako.






Dahil isang araw sa kasal ng kapatid ko.






Dapat ordinaryong guest lang ako—nandiyan para umupo at pumalakpak Hindi ko akalaing tatakasan ni Ara ang kasal niya. Iniwan niya ang wedding dress, ang altar, pati si Mikhael Lim—ang babaeng fiancé niya na alam kong mahal na mahal niya.








"She can't do this to us!" galit na sigaw ni Mommy habang naglalakad paikot-ikot sa living room, para siyang bombang puputok anumang oras. "Our reputation will be destroyed!"






Tahimik lang ako sa gilid, hoping na hindi ako mapansin. Pero tumingin siya sa akin. Tinitigan niya ako na parang nahanap na niya ang solusyon sa problema niya.






"Aiah, ikaw ang papalit sa kanya."






Ang mundo ko, tumigil. Ayoko. Hindi ko isasakripisyo ang buhay ko para lang sa kapatid ko.





"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.





"Magpapakasal ka kay Mikhael. You'll take your sister's place."






Gusto kong tumanggi. Gusto kong sumigaw ng, "Hindi ako si Ara!" Pero walang lumabas na salita sa bibig ko. Ang nanay ko, hindi tinatanggap ang "Hindi" bilang sagot.




At si Dad, tahimik lang sa tabi niya. Tumingin siya sa akin, at sa mga mata niya, nagmamakaawa siya. "Please, anak."






Para sa kumpanya namin... Ayokong masayang ang pinaghirapan ni Daddy dahil sa pagiging selfish ni Ara.







So, I said yes.




Isinuot ko ang wedding dress ni Ara. Naglakad ako sa aisle. Tumayo ako sa altar. Nagpakasal ako kay Mikhael Lim.







Pero hindi niya ako tinignan.






Her eyes, cold and distant, stared straight through me. Para akong hindi tao. Para akong multo na nasa harap niya. Kahit nung binibigkas namin ang vows, parang wala lang sa kanya. Mechanical. Walang emosyon.









The whispers hurt the most. "Mas maganda si Ara," sabi nila. "Bakit pumayag si Mikhael? She's nothing like her sister."






Pero ang mas masakit? Yung katahimikan. Yung hindi siya nagsasalita sa akin. Yung malamig ang tingin niya, na parang wala akong karapatang huminga sa harap niya.





That night, I sat alone in our shared bedroom. Tinignan ko ang singsing sa daliri ko. Mabigat. Parang posas. Alam kong hindi ito pag-ibig. Hindi nga ito totoong kasal.







Pero kahit ganun, may konting boses sa isip ko.






Paano kung kayanin ko? Paano kung ma-prove ko na deserving ako?





Pero habang nakahiga ako sa malamig na kama, isang tanong ang hindi maalis sa isip ko.








May pag-asa pa ba akong makita? Deserve ko pa bang mahalin?







-------





Heller! Mga bading!
Stay tuned for this story! I will post after Healing in the city of Love!
Malapit na siyang matapos, 3 chapters nalang:D, thank you for reading my work (⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)

Her Unwanted Marriage  | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon