"Naka usap nyo ba si Greg?" Tanong ko sa kanila.
Friday, last day ng Foundation week. Kahapon hindi pumasok si Greg ang sabi nya masama pakiramdam nya. Mukhang totoo naman kasi nakipag video call pa sya samin ng ilang ulit kahapon. Pero simula kagabi nung tawagan ko sya hindi na sya sumasagot hanggang ngayong umaga.
"Hindi.. hindi rin nagsi seen sa gc." sagot ni Aiden.
Si Greg lang ang wala samin dito ngayon. Tulad kahapon wala kami ulit balak lumabas o maki halubilo sa baba bukod na lang pag lunch break na.
"Which is not normal.." mahinang sabi ko.
"Oo nga madalas sya pa nga nag iingay sa gc." ani Oli.
"Baka masama talaga pakiramdam at nag papahinga lang." sabi naman ni Toby.
No, there's something wrong.
It's already 9am wala pa din paramdam si Greg, I'm worried already.
"Helloooooo!"
Napalingon kami lahat sa pinto. Si Greg!
"Ito na pala eh. Kanina ka pa hinahanap ni bossing, nag aalala sayo." Inakbayan ni Oli ang kararating lang na si Greg.
"Miss mo ko bossing?" Umupo sya tabi ko.
"Mukha mo namiss. Nag alala lang ako kasi walang makulit dito."
Hinilig nya sa braso ko ang ulo nya. "Ako talaga favorite mo dito."
"Dun ka nga. Maayos kanaba?"
"Syempre naman boss. Alive and kicking." Tumayo sya at naki halubilo sa ibang kaklase namin sa likod.
Naka harap ang upuan ko sa likod lagi namang ganto ang pwesto ng mga upuan namin pag walang klase. Magulo.
Nasa likod sila lahat hindi naman ako out of place sadyang ayaw ko lang minsan sumama sa kwentuhan nila, ang iingay kasi nila.
Dahil nga naka harap ako sa kanila kanina ko pa napapansin ang pag ngiwi ni Greg kapag nasasagi ang balikat nya at likod. Sa sobrang saya kasi nila nagkaka tulakan na sila kakatawa. Masaya namang nakikipag kwentuhan si Greg kaso hindi nakalagpas sakin yung pag ngiwi nya.
Tangina!
"Greg..." Tawag ko sa kanya. "Come here."
Naka ngiti naman syang lumapit.
"Take off your polo and sando." Walang emosyon na utos ko.
"H-huh?" Pinag krus pa nya ang dalawang kamay sa harap nya. "D-di kita type boss ah." sinusubukan nya mag biro pero halata sa mukha nya ang kaba.
"Remove it Greg." Nawawalan ng pasensya kong utos.
"B-babalik na ko don sa k-kanila." Utal utal na sagot nya.
"I SAID REMOVE YOUR FUCKING UNIFORM GREG!"
Nakita ko ang pag lingon ng ibang kaklase namin sa pwesto namin ni Greg. Si Greg naman napatalon dahil sa pag sigaw ko.
Tumayo na ko at mariin syang tinignan. "You choose. You remove it on your own or I rip it off?"
"Hey. What's the problem?" Kayden asked.
Walang nag tangkang lumapit samin. Hindi ko rin sinagot si Kayden. Diretso at mariin lang akong naka tingin kay Greg na ngayon ay makikita na ang panginginig.
Dahan dahan naman nyang tinanggal isa isa ang butones ng uniform nya, nanginginig pa ang kamay nya. Nang mabuksan ang polo nya hinubad nya at tanging white shirt na lang ang suot nya. Sa pagsusuot pa lang nya ng white shirt instead of white sando alam ko na agad na may nangyari. He hates wearing shirt underneath his uniform, he preferred sando over shirt.
