Accepted
"Kumpleto na ba ang mga pagkain?"
Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga pagkaing ipina-deliver ni Mama sa apartment ko. Binilang ko muna iyon kung tama ba at walang kulang saka ako sumagot.
"Opo, Ma. Kumpleto na." I arranged the containers into which I had transferred the food and aligned them neatly on the table.
Mayroong menudo, hamunado, chicken curry, chopsuey, lumpiang shanghai, fried chicken, lechon, leche flan, at fruit salad. Bibili pa sana si Mama ng cake kung hindi ko lang pinigilan. Parang magde-debut na ako sa sobrang dami, e. Tapos ang sinabi niya sa mga inimbita niya, simpleng handaan lang daw.
"Good. Do you need anything else, anak? Alak? Pera? New furniture?" sunod-sunod na tanong niya dahilan upang mapabuntong-hininga na lang ako.
"I'm doing good here, Mama. Ayos na ayos. Kung may kailangan ako, ako na lang ang bibili," sagot ko.
She scoffed on the other end of the line. Sa reaksyon pa lang niya, alam kong sermon na agad ang kasunod kaya inilayo ko nang bahagya sa tainga ang phone.
"Bibili? Eh panay ka nga utang! Noong nakaraan, nagsabi sa akin si Hayes na inutangan mo raw siya. Baka isipin ng ibang tao pinapabayaan ka na namin! O baka naman kung saan mo inuubos? Sinasabi ko sa'yo, Von Ysaac! Huwag ko lang talaga malalaman na nag-aadik ka dyan!"
Tignan mo talaga ang duality nitong si Yna El Pueblo. Mula sa mapag-alalang ina, napunta na agad sa usapang adik.
"I don't do drugs, Mama. I am the drug," I said proudly, which annoyed her even more.
"Umayos ka lang talaga, Ysaac. Tandaan mo ang deal natin," pagbabanta niya.
Natatandaan ko lahat ng napag-usapan namin tungkol doon. It was a deal they made back when I was in high school. Si Papa pa nga ang witness sa kasunduan, eh. Sa sobrang takot ko roon, naging mabuting estudyante ako at umiwas sa gulo. Sumali pa ako sa student council para patunayang mabait ako.
Kahit naman siguro sinong pagbantaan na isasama sa zumba session at pasasayawin kapag napa-guidance, magtitino talaga bigla.
"Natatandaan ko pa, Ma. Huwag ka mag-alala, kung may kalokohan man ako, promise, hindi makakarating sa inyo kasi secret lang," pang-aasar ko pa lalo.
"Von Ysaac!" she said in her high-pitched voice, laced with annoyance and disbelief.
Mas lalong lumakas ang halakhak ko. "Joke lang! I'm following the rules, Ma. Good boy 'tong panganay mo!"
"Pagkatapos mo ng kolehiyo, mag-asawa ka na! Tatanda ako nang maaga sa pangbu-bwisit mo sa akin!" she continued nagging.
I smirked. "Depende pa, Ma. Hindi pa ina-accept ang follow request ko, eh."
Agad na natigilan si Mama sa kabilang linya na para bang may narinig na nagbabagang chismis. "Anong depende? May jowa ka na? Sino? Kailan mo ipapakilala?"
Lumawak ang ngiti sa labi ko. I sat on the couch, holding the phone to my ear. Gusto ko sana i-kwento si Haru, kaso baka maudlot. Hindi pa nga sigurado kung matitipuhan din ba ako, eh. Sa ngayon, alam kong wala pa akong pag-asa sa kanya.
Sinubukan ko na lang iliko ang usapan tungkol sa ibang bagay. Mabuti na lang at mabilis malipat ang atensyon ni Mama sa ibang usapin. She'll probably ask about it in the next few days, but I don't mind. Sigurado namang makikilala rin niya si Haru. Hindi ako papayag na hindi.
Nang matapos ang tawag, saka ko lang napansin ang mga mensahe sa group chat namin nila Sanjo. Kapag talaga usapang inuman, hindi pwedeng hindi sila magiging alerto.

BINABASA MO ANG
In Between Seasons (Sweater Weather Series #2)
Romanceysaac & haru bl story | on-going