Special Chapter 4
(This will be the last)DOCTOR RAT VELAROZA CHRONICLES
(AS OB-GYN)THE INTERNSHIP.
"Nang ku po..."
Ilang araw pa lang akong Intern ay gusto ko na umuwi at matulog. Parang kailan lamang nang matapos ang Clerkship ko tapos nandito na naman ako. Halos kalahati yata ng buhay ko ay nasa Hospital na. Dito na lang kaya ako tuluyang tumira?
Wala akong choice kundi ang isabit sa leeg ko ang ang stethoscope ko, ewan ko ba kung sa akin ba ito o sa Girlfriend ko, pink kasi. Malamang ay sa kanya. Nagkapalit na naman kami.
Kinuha ko ang isang chart at sisimulan na sana ang magsulat ng report nang lumapit sa akin si Hideo Canliagn, nakalabi siya habang hawak ang mamahalin niyang camera.
"Jusko po rodeh! Napaano ka ga?" tanong ko sa kanya sa puntong Batangueño. Natural na yata na tumataas ang tono dahil sa punto.
"Kaige naman... Hindi ko alam kung paano sisimulan itong pinapa-survey sa akin para sa statistics na pinagagawa sa atin."
Hawak niya ang papel na binabanggit niya. Napakamot naman ako ng batok dahil kinalimutan ko na nga ang bagay na iyan tapos pinaalala na naman niya ngayon.
Kinuha ko ang survey paper at napangiwi ako sa ginawang survey question.
Isusumpa ko talaga ang statistics.
"Paano natin matatanong ang isang Senior Doctor kung gusto niya ng S-E-X? Nakakahiya 'di ba?" Mahinang sambit niya.
I gritted my teeth. Ang mga pinapagawa talaga ni Dok Benito ay pang out of this world. I-survey daw ba ang mga Senior Consultants at mga tanders na Doktor dito kung gusto pa nila ang sex. Sa malamang ay hindi na active makipag-contact ang mga iyan, baka nga hindi na nakaka-bayo.
Hays!
"Paano na, Dok Rat? Bukas na ang dead line nito ay." Napalabi siya muli.
Tumingin ako sa hawak niyang camera at kinuha iyon.
"Nasaan ang mga Senior Doctors?" tanong ko sa kanya.
Kinakalikot ko ang bawat parte ng DSLR camera niya.
"Nasa Hospital garden, doon yata sila nag-forum, kasi maganda ang panahon. Nakamukadkad ang nga flowers doon."
"Hmmm? Ilan kaya silang dumalo?"
Sinubukan ko ang camera, nilitratuhan ko ang isang Clerk na abala sa pagsusulat notes niya. Parang ako lang last year. Napagod ang kamay ko kaka-extract at kakasulat.
"As far as I know, nasa 50 attendees? Bakit mo naitanong?"
Bumaling ako muli ya kanya. "Tara doon. I will make sure to you, pati si Dok Benito at ang Daddy mo ay ma-survey natin." Nakangisi kong turan.
Kumunot ang noo niya.
"Huh? How?"
Hindi ko siya sinagot at nagsimula akong maglakad. Wala siyang choice kundi ang sundan ako hanggang sa makarating kami sa Hospital Garden.
Malawak ito, may mga paru-parong lumilipad. May makikita ka rin na mga pasyente na naka wheelchair na itinutulak ng naka assigned na Nurse sa kanila. May mga babies din na pinapa-init sa araw para sa vitamin D na siyang maganda para sa bagong silang na sanggol.
Kaagad kong natanaw ang mga matanda-este mga Senior Doctors na siyang sakto at tapos na sa kanila Forum. Nakatayo na silang lahat para siguro sa photo opportunity.

BINABASA MO ANG
The Doctor Series #3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...