Chapter 28

788 34 6
                                    

Chapter 28


Mikha Lim.







Habang nakaupo ako sa balcony ng hotel dito sa Paris, sinubukan kong i-check ang phone ko para saglit na makapagpahinga mula sa nakakapagod na shooting. Napansin ko agad ang notification sa isang fansite—"Aiah Arceta spotted landing at Milan Malpensa Airport."






Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko—selos, inis, o yung natural na pag-aalala lang na parang hindi ko maipaliwanag. Hinanap ko ang Facetime app sa phone ko at walang dalawang isip na tinawagan siya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan ko siyang makita at makausap.







Ilang segundo lang, sinagot niya ang tawag. Lumitaw sa screen ang mukha niyang nakaayos, pero halatang pagod.






"Ano na naman, Mikha?" tanong niya, sabay irap na parang wala siyang oras makipag-usap.








Nagsimangot ako. "Ba't parang ang taray mo? Hindi ko naman kailangan sagutin mo kung ayaw mo." Akala ba niya siya lang ang may karapatan na mag taray? Nag effort na nga akong tawagan siya.






Tiningnan niya ako nang matagal sa screen, tapos parang may gusto siyang sabihin pero pinili na lang na magtaray ulit. "Nagpapahinga ako. Hindi mo ba alam na may trabaho rin ako dito?"







"Oo nga, pero ako rin naman nag papahinga, diba? Ang arte mo naman. Gusto ko lang naman malaman kung okay ka," sagot ko, pero sinubukan kong kontrolin ang tono ng boses ko para hindi halata ang totoong concern ko.







Napangiti siya, pero parang pinipilit niyang itago yun. "Okay naman ako. Ano pa bang gusto mo malaman? Sabihin mo na para makabalik ka na sa pagpapahinga mo."







Umiwas ako ng tingin sa screen, kunwari naiinis. "Wala na. Sige, good luck sa mga gagawin mo dyan. Hindi kita aabalahin." Pero kahit sinabi ko 'yun, hindi ko naman in-end yung call.







Bigla siyang sumandal sa headboard ng kama at tinitigan lang ako. "Ikaw nag bye, pero mukhang ikaw din ang ayaw iend yung call, paano ako mag papahinga kung ayaw mo iend yung call?" pagtataray pa niya sakin.







Napairap ako at humalukipkip. "Ang arte mo. Uah—ahh ano, kumusta ka naman dyan? Nakakain ka na ba?" sunod-sunod na tanong ko sabay kagat ng ibabang labi ko.





Nagulat siya sa biglang pag-soft ng tono ko. Napangiti ulit, pero this time, hindi na niya tinago. "Okay naman. Napagod sa biyahe pero masaya naman dito. Ang daming fans kanina sa airport, hindi ko tuloy alam kung magugustuhan mo 'yun kung nandito ka."






Napailing ako. "Bakit naman hindi? Kasama ka naman nila e. Siguro kung nandyan ako, hindi lang fans ang aalagaan ko. Pati ikaw."







Nanahimik siya saglit, parang iniisip kung paano sasagutin 'yun. Pero bago pa siya makapagsalita, bumalik na ako sa pagiging masungit. "Sige na, tama na to. Magpahinga ka na lang, baka mawalan ka pa ng energy para bukas."






Tumawa siya, pero alam kong pilit. "Sige na nga. Salamat sa pag-check, Mikha. Alam kong ayaw mong aminin, pero na-miss mo lang talaga ako." pang-aasar pa niya sakin.







Tumaas ang kilay ko at ngumiti ng bahagya. "Magpahinga ka na lang, Arceta. Goodnight."







Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinatay ang tawag. Itinago ko yung phone ko sa pocket ko at muling tumingin sa night life ng Paris, napangiti ako. Kahit puro sungit at taray ang usapan, alam kong pareho naming gustong-gusto makausap ang isa't isa.







Fame, Lies, and Love (Mikhaiah Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon